Not to Forget

5 1 2
                                    

PROLOGUE

"Please doc, tell me na okay lang siya."

"Sorry sir, pero ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin."

"FUCK!"  hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.

Pagkaalis ng doctor sa harap ko, sinuntok ko yung dingding ng paulit ulit. Wala akong nararamdamang sakit, wala talaga. Ayoko siyang mawala, siya ang buhay ko. Siya lang.

Umupo ako, hinahawakan ang kamay kong dumudugo. Pero wala akong pake, wala na akong pake sa sarili ko. Bakit ba hindi ko siya naprotektahan noon? Bakit?

"Iho?" may biglang tumabi sakin, isang matandang babae. Parehas kaming nalulungkot sa pagkawala niya. Siya, siya ang ina ng nawalang mahal ko.

"Tita, hindi ko na po alam gagawin ko."

"Nako iho, kakayanin natin to." niyakap niya ako, ganun din ang ginawa ko.

Tumayo kami, pumasok kami sa Emergency Room, nandoon siya. Hindi! Hindi ko kayang makita siyang nawawala, hindi! Pero may magagawa pa ba ako? Wala na, wala na talaga.

May pumasok na matandang lalake, siya naman ang ama. Lumapit ako sakanya, inalalayan ko siyang lumapit sa kanyang pinakamagandang dalaga sa buhay niya. Parehas kaming umiiyak nang makalapit kami sakanya. Nandyan siya, nakahiga. Nakapikit ang kanyang mga magagandang mata. Lumapit ako sakanya, hinawakan ko ang kanyang kamay. Ang lambot, sobra.

"Susunod ako sayo, mahal ko. Hintayin mo ako ha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not to ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon