Hango sa totoong karanasan.
Iniulat ni @shanangmicaraAuthor's Note:
Hindi talaga matatahimik ang utak ko pag hindi ko to ginawa. Kaninang umaga ko lang to napag-isipan at nais ko sanang ipublish din ito pagkatapos na pagkatapos ko kahit na wala pang bookcover.Sana'y magustuhan niyo.
Pasayaw.....
Maraming tao....
Nasa isang bahay....
Pula.....
Bughaw na mga mata......
Matangkad------ "Lawrencio!"
Napabalikwas ako ng bangon nang maalimpungatan ako dahil sa napanaginipan ko.
"Lawrencio...." bulong ko. Mula bata ako ay bukambibig ko na paggising ko ang pangalang yan.
"Pwede ba, kung sino ka mang Lawrencio ka, tigilan mo na ako. I have nothing to do with you." ani ko. Minsan kasi iniisip kong baka multo, baka kaluluwa lang na nagbabantay saakin.Baka sakali lang na marinig niya.
Tuluyan na akong bumangon sa kama nang masipat ko kung anong oras na.
Alas siete...
May oras pa ko para kumain bago pumasok ng trabaho, madalas kasing nangangalam ang sikmura ko dahil sa hindi ko pagkain sa umaga. Gahol na kasi ako sa oras paggising ko, napapasarap kasi ang tulog ko kapag nananaginip ako e ang lagay ay araw-araw naman akong nananaginip kaya araw-araw din akong gahol sa oras. Ngayon lang yata kakaiba.
"Zabieng!" napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pinagsabay na doorbell at boses ni Ate Cel. Kapit-unit ko siya, kada umaga nambubulabog yan dahil lagi siyang nagbibigay ng ulam at siya lang iyong natatangi kong close dito sa Villain Condominium Tinungo ko ang automatic na pinto at pinindot iyon.
Bumungad sakin ang pasa-pasang si Ate Miracel. Hindi na bago saakin iyon. Last time ay nahospital siya dahil nabalian siya ng buto, dahil sa asawa niya. Trentai-singko na si Ate Miracel, ang asawa niya ay Trentai-nuebe ngunit itong si Ate Cel ay aakalain mong dalaga sa ayos niya. Napagkakamalan nga kami minsan ng mga tao sa magkapatid daw.Hindi naman kasi nalalayo iyong edad ko kay Ate Cel bente-singko ako, o diba malapit lang?

BINABASA MO ANG
Muli (One Shot Story)
Historical FictionIsang pag-iibigan ang naudlot dahil sa maraming hadlang, ngunit ipinagpapatuloy buhat ng sobrang tibay na pagmamahalan nina Isabel at Lawrencio.