What to do?

18 2 0
                                    

#Andrei

Hindi ko nagugustuhan na nakakaramdam ng selos si Belle sa amin ni Erin. Ayokong nagkakaganun siya.. Ayokong kung anu-anong iniisip niya.

Minsan talaga parang gusto ko na lang dalhin si Belle sa lugar na kung saan kami lang dalawa.. yung sa tahimik na lugar.. yung walang istorbo.. yung WALANG ERIN..

Sa dalawang taon na relasyon namin ni Belle, ngayon lamang kami nagkaproblema ng ganito. At ang problemang iyon ay si Erin. Wala ng iba..

Ngayon, may pasok na ulit kami. And what's bad about it is that makakasama ko na naman si Erin sa iisang classroom. Hindi naman big deal sa akin yung makakasama ko siya. Natututo lang akong maging alerto simula nung magbalik siya. Alam niyo yun? Yung sa sobrang kilala ko na siya, mas nakakatakot yung mga kaya niyang gawin.

Siya yung tipo ng babae na gagawin lahat makuha lang yung gusto niya. Pati mga magulang niya, hindi nakakapalag sa mga bagay na gagawin at gugustuhin niya. Pwera na lamang sa Kuya niya. Si Ethan.

Si Ethan ay kababata ko. At simula pagkabata, buntot na niya si Erin. Kaya naman palagi na namin kasama ang kapatid niya kahit saan kami magpunta.

Dumating din yung araw na ako na ang Mas gusto na makasama ni ERIN.

Kaya naman saakin na pinagkatiwala ni Ethan ang kapatid niya. Hanggang ngayon..

Ngunit sa t'wing sosobra na si Erin, kaagapay ko si Ethan sa pagpapatino dito.

Kaya naman sobra akong nagalak ng malaman kong uuwi na from Australia si Ethan.. Hindi na makakapalag si Erin.

Bakit ang lalim ng iniisip mo Bro? tanong ni Troy saakin. Nandito ako ngayon sa condo niya. Nagpapalamig ng ulo. -___-

Uuwi na si Ethan. sabi ko sa knya.

TALAGA?! WHOOA! Naeexcite ako sa pagbabalik ni Pareng Ethan! excited ang loko.

Kaibigan din ni Troy si Ethan. Dancer din kasi si Ethan sa La Sofia Academy dati, before pa siyang mag-migrate sa Australia.

Pero pare, yun nga lang ba ang iniisip mo? paninigurado ni Troy..

Si Erin pa..

Hindi pa din ba siya napapagod kakapapansin sayo? Tss. Buti hindi siya pinapatulan ni Belle? Sa bagay, too good to be amazona yang gf mo. sabi ni Troy.

Yun nga ang pinagaalala ko. Hindi nga siya lumalaban, nagseselos naman. At yun ang ayokong maranasan niya. buong puso kong sagot.

Grabe pare? Kulang na lang igapos na natin yan si Erin para di ka na laging ginugulo. Hays.. Sabi ni Troy.

Kaklase ko pa nga siya Bro! Hays, lalo akong na-stress.. inis kong sagot.

Oh no! Ibang klase talaga yan si Erin. Mabangis! Lahat gagawin para maging buntot mo! Tss. Awang sabi ni Troy.

But not this time. Babalik na ang kuya niya.. at siguradong wala na siyang gagawinhg hindi maganda. Takot lang niya sa kuya niya. Matapang kong sagot.

Sa bagay. Pero bro, wag tayo pakasiguro, dahil alam naman natin na kapag gusto niya, gagawin niya talaga. Advice sa akin ni Troy.

Oo naman. Mas mag-iingat ako. Paninigurado ko.

Hays bro, i-rootbeer na lang muna natin yang epic mong problema! Pati ako naloloka na eh! Pakwela pa siya.

At ininom na lang namin yung rootbeer. Pampakalma sa utak kong malapit ng mabuang.

Sa ngayon, iisipin ko muna si Belle. Mas maglalaan pa ko ng oras para sa kanya. Ibabalik ko yung peace of mind niya. Ibabalik ko yung masayang relasyon namin.

Goodluck to me.. Sana bukas nagising na sa katotohanan si Erin na di ako ang para sa kanya. Bahala ang Diyos sa aming lahat.. May plano siya..

----------

A/N Enjoy reading pa din readers. :)

The Second time I fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon