2nd semester

0 0 0
                                    

Nagising ako sa liwanag ng araw ng nag sisimulang tumama sa aking mga binti, ramdam ko ang init na sinimulang ibigay nito sakin kaya dahan dahan akong bumangon para mag inat ng katawan. August 8 na pala back to reality na uit ang buhay studyante ko, ngayong second semester.

Hi I'm Demitry David tatlong taon ng sumasabak sa gera ng pag aaral sa bilag marketing student. Tamang tama tumunog na ang alarm clock ko, nauna lamang akong gumising.


"Demi gumising kana at kumain kana dito" sigaw ng aking mommy

Kaya ako'y bumaba para mag handa kumain, maghanda ng gamit at damit na sosoutin. Habang nasa shower ako nakaka relax kasi after nito stress nanaman ang aabutin ko sa school dahil hindi maiiwasan ang mga toxic na tao roon. Matapos akong makapaghanda ng sarili tumunog ang phone ko at sa screen lumitaw ang pangalan ng isa sa mga kaibigan ko.


"Hello ash?"

"Ano Demi nasaan kanaba? mejo madami ng tao dito sa hallway baka mahuli kapa jan kulelat kapamandin lagi kumilos"


"huh? agad agad? sige ito paalis nadin ako imissyou na pre"

"oo pre dali sige imissyoutoo na , sila Mari at Nami wala pa dito solo lang ako sige na dalian mo na bye! ingat"

At nag madali na akong umalis ng bahay patungo sa school. 15 mins ang byahe 23 nag lakad papunta sa classroom tinignan ko ang room # ko 207 tama naman ang napuntahan ko at pumasok na ako. Same faces padin ang nakita ko may ilang mga bago studyante siguro iregular students o transferred ang iba.

Narinig kong tinawag ako ni ash kaya sa pinaka unahang row siya naka upo kaya tumabi na ako sa kanyang pwesto, aming niyakap ang isa't isa grabe sobrang na miss ko ang bestfriend kong ito.

"ano pre parang may nag bago sayo ngayon ah" sabi niya

Inisip ko naman kung ano ang nag bago parang wala naman. Except sa bagong gupit ang buhok ko at kulay chest na ang dating itim at bagsak kong buhok.

"pre pumayat ka! yes ang sexy mo na hindi kanda tuloy cute maganda kana" bolo naman sakin ni ash

Kinilig naman ako sa sinabi niya sakin, well tama siya pumayat nga ako buong sem break nag pursigi akong mag papayat dahil nagagalit na sa akin ang parents ko due to my obesity. Well no offence I'm really am, sa taas kong 5 feet and 3 inches nasa 72 kilos ako isipin mo yon. Intense work ou ang ginawa ko sa sarili ko dahil gusto ko mag bago para sa sarili ko dahil wala lang gusto ko magind healthy.

"Napansin mo pala nag papayat na talaga ako napapadalas na kasi ang heart burn ko eh" sagot ko sa kanya na may halong tawa

Maya maya bumukas na ang pintuan sa classroom namin at pumasok ang isa sa mga paborito kong professor na si Ma'am Grace.

"Good morning class how's your short break? nakikita ko may mga nag bago sa inyo at parang pansin ko madami yata naka black ngayon nag luluksa ba kayo?"

Tumawa kami sa sinabi ni ma'am lumingon ako sa room at oo nga ang daming naka black, ngayon since first week kasi ng school lahat pwede mag civilian diko na lang sinuot kanina ang uniform ko dahil ang luwag na sakin.

"mamaya sabayan mo ako bumili ng bagong damit" bulong ko kay ash

tinignan niya ang damit ko

"oo nga kelangan mo na ng bagong damit para kang scare crow sa itchura mo"

tumawa ako 72 kilos to 53 kilos malaking improvement ang masasabi ko sa ginawa kong yon.

At doon nag simula na mag dicuss si ma'am blah blah blah, jot downs and then shing 15 min break. Nag stay lang kami ng friend ko sa classroom since may baon naman kaming snacks lagi.

"Wow guys napansin niyo ba pumayat si demi announce ni ma'am sa loob ng classroom"

at madami naman tumugon dito, mga tanong nila ano ginawa ko anong kinain ko, bakit ko daw ginawa yon ang sabi ko nalang wala gusto kong ag bago.

hanggang sa dumaan ang mag hapon nakilala ko ang ibang new prof namin same ang mga subjects na tatahakin namin.

"next week you will present your first report this semester group 1" sabi ni ma'am Niks

What can I say group 1 agad ako at ako pa ang leader wow naman ang galing. Bakit kaya sa groupings madalas ako ng leader pwedeng iba naman hirap kaya minsan maging leader.

Pero sa subject na iyon habang nag papakilala ang groupo ko sa harapan may isang lalake na seryosong nakatingin sa akin pero hindi ko na lamang siya pinansin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon