Naranasan nyo na bang magmahal ng isang tao na akala mo imposible ka nyang mahalin pero minahal ka parin nya. Tapos nung naging kayo akala mo okay na ang lahat pero may mga pilit na nakikisali/ nakikisingit sa relasyon nyo. Badtrip diba? Malaman laman mo may kalandian siyang iba kaya nakipagbreak ka. May iisang tanong na lagi kong iniisip: Nakamove-on na nga ba ako sayo? Ano satingin nyo? Basahin nyo kwento ko. :)
Ilang buwan na ang nakakalipas nang makipagbreak ako sa lalaking sineryoso ko ng todo-todo.
"Tama ba yung ginawa ko?"
"Hindi ko na ba talaga siya mahal?"
"Hindi ko na ba siya bibigyan pa ng isang chance?"
iilan lang ito sa mga na-itanong ko sa sarili ko nung mga unang linggo pagkatapos ko makipagbreak sakanya.
3 months siya nanligaw saakin. Siya yung tipo ng lalaki na akala mo hindi siya mageeffort pero nageffort para sayo.
Yung 3 months na yun. Lagi kaming magkatext, magkacalltrip. Nagkakasundo kami sa bagay-bagay. Pero para saakin wala lang dahil wala naman akong balak mag boyfriend.
Alam niyo yung feeling na may karamay ka palagi. Dumaan ang Pasko at Bagong Taon siya lang madalas ko makausap.
Nang dumating na ulit yung pasukan, himala excited nako pumasok. Ewan ko kung bakit. Tapos lagi ko siyang hinahanap at gusto ko siyang makausap.
Naiinlove na ata ako sakanya?
Haay! Ang sarap ng feeling na mainlove ulit. Parang palagi kang lutang at ang lalayo ng iniisip.
"Hoy!" gulat ng kaibigan ko saakin.
"Oh?!" asar na tanong ko.
"ang lalim nanaman kasi ng iniisip mo eh." sagot nya saakin
as usual tulala nanaman ako kakaisip sakanya. Inlove na nga ako sakanya <3
Schoolmates kami. Kaya tuwang tuwa ako tuwing flagcem nila at uwian. Syempre may pag asa ako na makita sya.
As in kahit likod o buhok niya lang makita ko. Tuwang-tuwa na ako nun eh. Nasubukan ko ngang late pumasok sa classroom ng umaga para lang makita siya.
Dumating yung araw na pinakahihintay ng 3rd yr at 4th yr : Ang JS prom.
actually kinakabahan ako nung JS hindi ko alam kung bakit. Pero nung mismong event na late pa ako dumating at pinuntahan ko agad mga kaibigan ko.
Nung mga time na yun, wala talaga akong balak sumayaw at ang gusto ko lang mantrip at mag stolen pic ng mga tao.
Pagkaupo ko sa tabi ng kaibigan ko
tanong saakin "nagusap ba kayo?"
napaisip ako at nagtanong "nino? bkit?"
sabi nila "ni ano. parehas kasi kayo ng kulay ng damit eh."
"hindi ah. di ko nga alam eh" agad kong sagot.
ongoing na yung program pero puro text lang ginagawa ko.
tapos yung part ng program na magsasayaw na yung mga lovers. NGANGA kaming magkakaibigan kaya naisipan naming magpicture-picture ng mga tao nang makita namin siya..bgla akong kinilig at napatakbo nalang ako papalayo pero alam ko nakita nya ako. kinausap kasi siya ng etchosera naming kaibigan.
Iniwan niya yung sinasayaw niya para puntahan at habulin ako.
At yun nga. Parehas kami ng kulay ng damit ng hindi inaasahan.
Sya ang first dance ko. :">
Habang magkasayaw kami nakatingin lang siya sa mata ko habang nakahawak siya sa bewang at kanan kong kamay. Nakayuko lang ako nun. Hindi kasi ako makatingin ng deretso sa mata niya eh.Masyado akong kinilig ng gabing yun. Tapos may dumaan na photographer at pinicturan kami.