Ang laki ng mundo no? Ang Daming ng mga tao. Busy sa kanya kanyang mga buhay. Meron din namang busy sa kaka usisa ng buhay ng iba. Merong mga tao na nagtatrabaho para sa pamilya, meron din namang para sa sarili. May mga tao na nagsusumikap para maka ahon sa hirap ng buhay, meron ding mga tao na kuntento na. May mga swerte sa asawa at may mga tao din naman na sawi.Lahat ng bagay may negative at positive sides.
Eh pano kaya no kung wala ng negative, Pano kung positive nalang lahat.
May magbabago kaya?
Ako si Calvin Laurent isang estudyante na may sariling mundo.
As usual, Naka tambay nanaman ako sa Rooftop ng Building sa School namin. Actually bawal talagang umakyat dito, nakakatakas lang ako. Hindi ako Anti social o Baliw, Mas nag eenjoy lang akong mag isa at malayo sa ingay ng mundo.
Kadalasan kasi ang idea lumalabas kapag mag isa ka. Mas nakakapag isip ka at hindi ka na pepressure. Walang may pakelam sayo, Walang Maingay, Walang Ibang makikinig sayo kundi ikaw lang.
Umikot na sa ganito ang buong buhay ko. Laging mag isa at sobrang tahimik lang. Let me tell you a short story about my life.
I came from a broken family, and i live with my Dad. My mom left when i was 4 years old. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyari bakit nya kami iniwan. Wala syang sinabing dahilan sakin, ang naaalala ko lang ay yung isang umaga na gumising ako at wala na sya. Umiiyak si dad at naka kalat lahat ng gamit.
"Sorry nak, Di ko sya napigilan eh. Iniwan na tayo ng Mommy mo." Sabi sakin ni dad nung nakita nya akong nakatingin sa kanya.
I love her so much, But she's the first person who broke my heart.
So ayun, dun nagsimula ang pagiging loner ko. Natakot akong ma attach sa isang tao kasi iiwan din naman nila ako. I'd rather be alone, Kesa naman masaktan ako ulit. Iwan ng walang dahilan or ipagpalit sa iba.
Masakit ang maiwan lalo na kung hindi mo alam kung bakit, Kasi may tanong na paulit ulit na tatakbo sa isip mo eh.
'Ano bang kaiwan iwan sakin?'
'Hindi ba ko pwedeng maging masaya?'
'Lagi nalang ba akong masasaktan?'
Lahat ng to ay nagbago nung dumating sa buhay ko si maggie.
Friends lang kami nung una, Sya yung lagi kong kasama tumambay dito sa rooftop. Sya yung kasama kong mag isip tungkol sa mga bagay bagay.
Si Maggie kasi yung babae na Sobrang Kabaliktaran ko. Sobrang Ingay, Sobrang Daldal, Sobrang Kulit at Sobrang Gulo.
Sya yung babae na naiintindihan kung ano yung pinagdadaanan ko at hindi nya hinahayaan na maging malungkot ako. She makes me smile, laugh, blush.
Ewan ko ba kung anong meron sa kanya, Bakit ganto yung naging epekto nya sakin. All i know is she's the girl that i want to be with for the rest of my life. Lumalim ang friendship namin ni Maggie hanggang sa niligawan ko sya. Ayoko kasi na mawala sya sakin o makuha sya ng iba. Kaya nag take risk ako. Nag baka sakali na mapapa sagot ko sya. Hindi naman ako nabigo, Naging kami ni Maggie.
We're so happy at each other, Nag iba yung takbo ng buhay ko. Yung Dating Calvin na loner, Naging Joyful na Calvin na. And that is because of her, Si maggie lang pala yung makakapag pa labas ng Kulit sa katawan ko.
Pero syempre gaya ng ibang relationships we had our ups and downs. Nagkakaroon kami ng mga di pagkakaunawaan, nagkakaroon rin kami ng pagtatalo.
Seloso kasi ako, Ayokong may ka close syang ibang lalaki bukod sakin. Masisisi nyo ba ako? Ayoko lang naman na mawala sya sakin eh. Natatakot ako na baka iwan nya nalang din ako bigla. Naayos naman namin yung mga problema namin.
Mahal na mahal ko sya eh, I'd rather lose the argument than to lose her over an argument.
We celebrated our first anniversary here. Nagbaon lang kami ng foods at inenjoy yung moment na magkasama kami. Masarap sa pakiramdam na may tao na kayang mag stay sakin. Sobrang swerte ko dahil nakilala ko pa si Maggie.
Pero makalipas ng isang buwan, Lumapit sakin si Maggie.
"Cal, I want to tell you something." Nakayukong sabi ni maggie.
"Ano yun?" Nag aalalang sagot ko sa kanya.
May tumulong luha sa mata niya. And from that moment, I know there's something wrong.
"Bakit ka umiiyak? Anong problema?" Niyakap ko sya at dahan dahang bumagal ang takbo ng mundo.
Unti unting tinanggal ni maggie ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at tinignan nya ako sa mata. "Calvin, Sorry.."
"Sorry saan? Maggie please wag ganito. Hindi magandang biro." Nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.
"I'm breaking up with you. Hindi na kita mahal, Sorry Cal pero kaylangan na nating itigil to." Hinawakan ko ang kamay nya pero tinanggal nya ito at tuluyan ng tumakbo palayo.
Tumigil ang buong mundo ko at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Sa pangalawang pagkakataon, Iniwan nanaman ako ng babaeng mahal ko na wala manlang dahilan.
Humina ang tuhod ko at bigla nalang akong napaluhod. Kahit anong punas ko sa mata ko ay hindi ko mapigil ang pagbagsak ng aking mga luha. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ng bawat patak ng ulan ang pagpatak ng Luha mula sa mga mata ko.
'Saan ba ako nag kulang?'
'Ano ba ang maling ginawa ko?'
'Bakit kaylangan natin tong tapusin?'
Mga tanong na gusto kong itanong sa kanya pero Hindi ko na nagawa dahil umalis na sya, Iniwan nya ako. Ironic no? kung sino pa yung tao na Bumuo sayo, Sya din yung tao na wawasak sayo.
Ganun ka Tragic ang Love Story ko. After that day, Nagpatransfer na daw si Maggie ng School. Lumipat na din sila ng bahay sabi ng Tita nya. Sinubukan kong i contact sya sa social media pero naka deactivate na lahat ng account nya, Pati account ng Family nya.
Iniwan ako ng babaeng nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal.
Simula non hindi na ulit ako nagmahal. Umiwas na ako sa mga tao sa paligid ko. Ayoko ng makipag kaibigan kasi mahirap ng magtiwala.
*Bell Rings*
Nagising ako bigla sa pag de day dream ko at nawala sa isip ko na may klase pa pala ako. Bumaba na ako at nakasalubong ko ang Adviser ko na si Mr. Cortes.
"Pumunta ka sa office, May Sasabihin akong importante sayo."
YOU ARE READING
What About Us?
Teen FictionAng tadhana ay sadyang mapaglaro. Minsan akala natin para satin ang isang bagay pero bigla nalang mawawala. Minsan naman may bigla nalang dumadating na hindi natin inaasahan pero bigla lang din mawawala. Madaling magmahal pero bakit parang ang hirap...