Chapter 2

8 1 0
                                    

Kinaumagahan.

Apat na oras lang ang tulog ni  Zaneth pero nagising na siya bandang alas syete ng umaga.

Wala siyang magagawa kahit antok na antok pa siya dahil sa kagagawan ng baliw niyang mga kapatid.

Alas dies pa ang pasok niya. Pero kailangan na niyang magprepare dahil siya lang naman ang dakilang driver na maghahatid sa kuya niya  sa Parlor nito sa isang malaking Mall, sa kapatid nitong si Jean sa University at sa katulong nilang si Bebang na naka schedule sa pamamalengke at mag grocery.

Akala niya isang blessing ang pagbili niya sa sasakyan galing sa kanyang ipon. PEro sa halip naging responsibilidad niya pa ang tagahatid sa mga ito.

Pagkababa niya ng hagdan ay naghihintay na ang kanyang mga kapatid.

Let's go Ate Zaneth, malelate na ako sa klase. sabi ni JEan. Aba kasalanan pa pala niya pag na late ito.

Ang mama't Papa? tanong niya.

Sus di ka pa nasanay sa dalawa. Syempre tulog, ano pa bang asahan sa kanila?, sabi naman ni Kylle. Ready na rin ito.

Okay, let's go. sabi ni Zaneth pero napatigil ng mapansin ang outfit ni JEan. Seriously late reaction? O dahil naantok pa siya.

E'ikaw saan ang punta mo eskwela o lakwatsa? sita nito kay Jean na rugged na rugged ang porma. May mga blingbling pa ito sa katawan.

Ate, civilian day ngayon. Alangan namang naka uniform. At ito ang uso ngayon no. sagot ni Jean.

Hayaan mo na nga yan, tayo na malelate na rin ako. May customer akong aayusan ngayon. sabi ni Kylle na nauna nang lumakad palabas ng bahay. Pakembot kembot pa ito.

Zaneth sighed. Mapapalampas kita ngayon pero sa susunod ayaw ko nang ganyan ang mga suot mo. Magbago ka, dahil kahit baliktarin ang mundo babae ka pa rin. Maliwanag? sermon ni Zaneth sa kapatid. Wala naman siyang maisaway kay Kylle dahil kahit bading ito may respeto pa rin ito sa sarili. Kung hindi mo ito kilala hindi mo maisip na bading ito. Kilos at salita lang nito ang benabae pero pormal ang kuya niya manamit.

Si ate talaga, killjoy. wika niya na nakasimangot at padabog na sumunod kay Kylle.

Palabas na ang kotse niya ng humahangos na humahabol si Bebang. Muntik na niya itong maiwan.

Sige na sakay na! sabi ni Jean, Pero bago ito tumalima ay pinalabas muna ang kotse at sinara ang gate.

Una niyang hinatid si Kylle sa mall. Ibinilin na rin niya si Bebang sa mall. Balikan na lamang niya matapos mahatid ang kapatid sa University. Malapit lang dito sa Mall.

Ilang minuto nasa University na sila.

Goodbye ate. akma na sanang bubuksan ang pinto ng kotse nang pinigil muna ni Zaneth.

Mag-aral kang mabuti. No boyfriends boyfriend okay. bilin nito.

Baka no girlfriends, ateh. pagtatama nito na nakangisi pa.

Naku..mababatukan kita ng walang sa oras, sabi niya at napa peace sign na lamang si JEan.

Pagbaba ni JEan ay dumungaw pa ito sa naka open  na windshield ng kotse niya.

Ate, PMS ka ngayon no? hehehe sabi nito at patakbong pumasok na sa gate ng University. Loka lokang babae.

Napailing na napangiti si Zaneth habang minamasdan ang patakbong kapatid. Kahit maloko ito lumalaki itong maganda kahit ba nagtatago ito sa pagkilos lalaki. E wala namang pangit sa lahi nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW O SIYA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon