Chapter 34:

266 2 0
                                    

Ilang araw ding nanatili si Vince sa Manila. Hinintay nya akong madischarge ng Ospital. Silang dalawa ni joy ang nag-aasikaso ng mga papeles sa Ospital at sa Insurance namin. Di naman kasi kabisado nina Mama at Papa ang palakad-lakad dito sa Manila. Buti nalang andyan sina Joy at Vince.

Ngayon na ulit babalik ng Macau si Vince. Si Joy na ang naghatid sa kanya sa airport. Bago sya umalis, pinuntahan nya pa kami ng kambal sa bahay para magpaalaam.

"Vince, salamat sa lahat ha. Kung wala ka,siguradong mahihirapan kami ni Joy. At saka kahit gaano ka ka-busy, binigyan mo pa talaga kami ng oras ng kambal."-paalam ko kay Vince at niyakap sya ng mahigpit

"Dan! Basta kung ano ang kailangan mo, wag kang alinlangang sabihin sa akin ha. Lahat-lahat. Andito lang ako ha. Alagaan nyo lagi ang mga sarili nyo. Lalo na ikaw. Kumain ka ng marami. Walang diet-diet ha! Skype tayo lagi ng mga Mga babies! Pag may plano ka na sa date ng binyag, balitaan mo agad ako. Dadating ako."-sabi ni Vince.

_________________________

Umuwi kami sa amin at doon namin ginanap ang binyag. Tulad ng pinangako ni Vince, umuwi sya sa binyag. Siya ang tumayong ama ng mga bata sa Simbahan. Maliban sa pamilya ko at ky Joy, ang inakala ng mga tao, si Vince ang ama ng kambal. Kung ano-ano ang naririnig namin na kesyo, kamukha daw pareho ngmga bata si Vince. Kung anu-anung pagpuri din ang natanggap namin sa kanila na bagay na bagay daw kami. Sa tuwing sinasabi nila iyon, nagtatawanan lang kami ni Vince. At ayaw ko rin kasing bigyan ng malisya yon. Ayokong masira ang closeness namin ni Vince dahil alam naman namin pareho kung sino ang lalaking minahal ko. At bestfriend nya iyon. Pero ngayon di ko na masabi kong mahal ko pa ba yon, matagal ko na rin siyang di naaalala mula nong lumabas ang kambal.

4 yearS Later:

Ilang taon na rin ang nakaraan. Lumaki ng maayos, mababait at puno ng pagmamahal sina Athena at Anthon. Iyan ang pangalan ng kambal ko. Ang pangalang binigay ng best ninong at best ninang nilang si joy at vince. Sa manila na kami ng-stay ng mga bata. Kasama ko sa bahay ang kapatid kong babae at dalawang yaya ng mga bata. Kinasal na rin si Joy 2 years ago at bumukod na rin sila pero malapit lang din sa akin kaya pag wala syang pasok sa amin lang sya tumatambay. La pa rin syang anak kasi  nahihirapan syang magbuntis. Si Vince naman, mula nong pagbubuntis ko hanggan ngayon, di pa rin sya nagbabago. At kahit gaano sya ka-busy, walang araw na hindi sya tumawag o mag txt man lang. Ganyan ka supportive na ninong at friend si Vince every birthday ng mga bata, lagi rin syang present.Kahit noong first day nila sa day care, umuwi pa talaga sya ng 2 days ng Manila para makasama sila sa First day nila sa daycare. Pag pasko wala rin syang palya sa regalo sa mga bata at sinisigurado nyang sya ang may pinakamgandang regalo sa mga ito. At walang sabado at linggo na hindi sila nag-e-skype. Kaya naging spoiled ang kambal sa kanila ni Joy. Kaya siguro di ko nakitaan na may kulang sa kanila, na may hinahanap silang ama. Kasi di nila naramdaman ang kulang na yon dahil sa pagmamahal at atensyon na binigay ni Vince sa kanila. Sobra pa sa atensyon ng isang Ninong ang natatanggap nila mula ky Vince.

Natutunan ko na ring kalimutan si Rence at ang mga sakit na dinulot nya sa puso ko. Di na rin ako umasa pa na magkita uli kami. parang matagal ko na rin di sya naiisip. Pero di ko pinagdamot sa mga anak ko kung sino ang ama nila. Kinukwento ko rin sa kanila ang ama nila at lagi ko ring pinapakita sa kanila ang larawan nya. Kaya kahit sa larawan lang,kilala na sya ng mga bata.

Naging maganda din ang trabaho ko. Na promote ako bilang isa na sa mga Head Engineer ng department namin. Kaya kahit na mag isa lang akong nagpapalaki sa kanila, nakaya ko lahat ng pangangailangan nila.

" Good Morning!"- maganda kong bati sa mga kasamahan ko sa work nang pumasok ako.

'"Good Morning Engineer Sunshine!"- ito ang bati sakin lagi ng mga kasamahan ko. Kasi daw sabi nila, gumaganda na daw ang atmosphere sa office pag andyan na ako. Para daw akong sunshine sa kanila. Lumiliwanag ang opisina pag andun na ako. Kaya hinayaan ko nlang sila na tawaginako ng ganun.

My Heart belongs to a Civil EngineerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon