~3:45 am. Wednesday.
Hayy, My god! Pano to? Di talaga expected na mangyayari to... Hayy, Grabe! Di ko alam na magugustuhan ko ang Bestfriend ko. Paano naman kase na hindi ko siya magugustuhan, eh ang bait niya, lagi niya ako tinutulungan, kami lang lagi ang magkasama kapag Break, Lunch, at Dismissal.. Nga pala, Ako si Aria dela Rosa. Isang babaeng na inlove sa kanyang bestfriend.
~5:30 am. Wednesday
Goodmorning mah love :) Makikita na ulit kita! Hay, sarap gumising pag alam mo na makikita mo na siya at last dahil puyat na puyat ka sakanya. Naligo ako at nagbihis agad-agad para makapag-ayos ng buhok. Inabot ako ng 20mins. para mag ayos. Ano ba! It takes time to be beautiful, hahahaXD Baliw nako! BTW, bestfriend lang naman ako at kung makapag ayos ng buhok, wagas! Maka-asa! Grabe! Bababa nako sa kitchen para kumain nang, *poot poot*, dumating na service ko. At least maayos na hair ko. Nang makarating na ako sa gate ng school, may tumawag saakin. "Aria! Hintay!" sabi niya, tumalikod naman ako. Si Arden, yung BESTFRIEND ko, i mean, BBF, BOY BESTFRIEND. "Ay! Arden, kaw lang pala, kala ko kung sino." Nag smile naman siya. "Uy, mamaya punta tayo ng 7-11, libre kita." sabi niya sabay akbay sakin. "Uhm, O-osige.T-tayo lang?" Tanung ko naman. Feeling ko, pulang pula ako. "Oo, baka may mang-inis nananaman sating dal'wa." Ihh! Kilig to the bones naman ako! "O-ok". Akbay parin siya sa akin kahit may ibang tao. Yung mga classmates namin laging tumatawa at sumisigaw ng 'AYYYYIIIEEEE'. Kapag naman may roleplays, lagi kapag may couple, automatic sa leader namin na kami yun. Nung nakarating kami sa classroom, di ko namalayan na wala na pala si Arden. Baka may kinausap siya or something, i gotta give him his own space! Di naman ako selfish eh. Napansin ko din na wala rin pala yung mga classmates ko kahit di naman kami sobrang aga, pati yung mga kasabay namin kanina di pa dumadating. Pumasok nalang ako at inayos ang bag ko nang biglang sumulpot si Cameeze, in short, Cam. Sabi niya, libot muna daw kame. Nung nakalibot kami ng 10 mins. bumalik na kame. Nang paakyat na kame sa stairs, sabi niya "Aria, Pag akyat natin may pagagawa ako sayo." umakyat nalang kame. " Oh, ano papagawa mo?" habang nasa labas kami ng classroom, nilagyan niya ng Blindfold ang mga mata ko. "basta, stay put." narinig ko ang takbo niya dahil maingay mga sapatos niya at memorize ko ang takbo niya. Siyempre, Ako pa! Ano kaya Gimik o Trip ng mga Classmates ko? Ang gulo, Grabe!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi, guys! First timer lang ako eh.
Sorry kung napangitan kayo sa mga pinagtatype ko at kung interisado kayo, comment niyo lang. thank you :)
-Diana :)