Chapter 16: Killed?

1.1K 20 1
                                    

Hailey's POV

Asan na ba yung saging na yon?

Eh kase pinaliwanag ko sakanya kung paano kami magbreak ni Yuhan.Tinawanan ko na lang habang sya ay parang nagagalit sa akin.

Crush nya kase si Yuhan eh!Pasalamat nga sya pinagbigyan ko pa sya diba?Tsk.

Napatigil ako ng magring ang phone ko.Tiningnan ko ang caller.

Banana calling...

Tumatawag na pala ngayon ang banana ano??Sinagot ko na lang.

"Hoy p*ta ka asan ka na bang saging ka huh?!"

[Sorry naman.Nakalimutan ko kasing may meet pala tayo ngayon.]

"So what?Kasalanan ko kung nakalimutan mo?Dalian mo na at magbihis ka na at pumunta ka na dito samen.Nanggigigil ako sayo"

saka in-end ko na ang tawag.

Napansin kong may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa left,wala.Sa right,wala pa den.Sa likod,

Boom panes.

3rd Person POV

Sinamaan lamang ni Hailey ng tingin ang dalawang babaeng nakatayo sa harap nya.

"What are you fvcking doing here?"Hailey said with her deadly voice.Sarkastikong napatawa naman ang dalawa.

"Oh Sam.Chill ka lang.Hindi mo ba kami namiss?"

"I will never miss demons."cold and deadly na sabi ni Hailey.

"Ohhh.Baka nakakalimutan mo Sam,dahil sa amin kaya ka naging palaban,masungit at malakas."sarkastikong sabi nung isa.Napatawa naman si Hailey.

"Hindi porke kayo ang nagturo sa akin NOON,gagalangin ko pa rin kayo NGAYON.Past is past."mukha namang nainis ang dalawa ng ngumisi si Hailey ng malademonyo.

"Hindi pa din pala kayo nagbabago.Pikon pa den."nakangising saad ni Hailey na mas lalong ikinainis ng dalawa.

"Bakit hindi tayo maglaro?Ngayon ay malalaman na natin kung sino ang mas malakas sa atin."

"Isa ka lang,dalawa kame.Ngayon pa lang wala ka ng laban,mamaya pa kaya?Kung ako sayo,susuko na lang ako."natatawang sabi naman nung isa.

Napatigil sila sa pagtawa ng tumawa si Hailey.

"So kung ikaw ako,maduduwag ka sa gantong napakaboring na laban?How weak you are."natatawang sabi ni Hailey.Napaseryoso ang dalawa.

"Wala ng paligoy-ligoy pa,tapusin na naten 'to"


Niana's POV

Lagot na talaga ako kay Hailey.Kase naman eh!Nakalimutan ko,saka kakagising ko lang eh 2:20 na.

Galing ko diba?Usapan 1:30 dapat nandun na pero 2:20 na.

Nakakainis!Yung wattpad kase eh!Ang ganda na ng story na yon kaya binasa ko na lang ng binasa.Hanggang sa mag4 na.

Natapos na akong magbihis at tiningnan ang relo ko.2:29.Paktay na talaga ako!!

Dumaan ako sa bahay ni Hailey.Nakita ko si....

"Chaaaan!"tawag ko sakanya.Napalingon sya sa akin.

"O banana.Anong ginagawa mo dito?"

Napapoker face ako sa tinawag nya sa akin.

'Bat kasalanan ko kung mukha akong saging huh?!'

"Ah wala naman.Si Hailey?"pilit na ngiti pa din na sabi ko kahit nakakabadtrip talaga yung sinabi nya sa akin.

"Ay oo nga pala,sabi nya dun na lang daw kayo sa HQ ninyo magkita."tumango na lang ako saka nagbabye na.

Pagdating ko dito,nakita kong nakaupo si Hailey sa sarili nyang dugo pero nakahawak sa kaliwa nyang beywang.

Napatakbo ako sa nakita ko ngunit ng malapit na ako sakanya,napatigil ako.

Did she..............


Hailey's POV

Nakaupo ako ngayon habang hawak-hawak ang beywang ko na umaagos ng dugo.

Pinapanood ko ang dalawang babaeng ngayon ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa kanilang sariling mga dugo.

Hindi ko alam kung napatay ko sila o ano.Basta ang alam ko,natalo ko sila.Mas malakas na ako sakanila.

May napansin ako sa likod ko kaya naman napalingon ako doon.Nakita ko si Niana na nakatayo at tila hindi makagalaw na nakatakip sa bibig nya ang dalawang kamay nya dahil sa nakikita nya.

"N-Niana,t-tulungan mo ako...Jebal.."nanghihinang sabi ko.Napalingon naman sya sa akin na gulat pa din.

"HAILEY!"

Yan na lang ang nadinig ko bago mawalan ng kulay ang paligid..

SECRETLY MARIED TO A CAMPUS PRINCE [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon