PAPER PLANE. (OneShotStory.) 2

22 3 0
                                    

A/N: Ok, dito ko na lang inilagay yung next . Naglalag siya guys, pagmahaba na. Sa cp kasi ako nagsusulat, so please understand. ;'>

______________________


Lumapit sa akin si Dylan at pinunasan ang luha sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, tears of joy ba to? ewan ko. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang masaya ako ngayon.

" Gusto ko.. yan na ang huling iiyak ka sa harapan ko, Ok?" nakangiting ani Dylan. 

Kahit naiiyak ay pinilit ko pa ding tumango at tumahan na. Kinagat ko pa nga ang labi ko para lang hindi niya na marinig pa ang paghikbi ko. Kasalukuyan kaming magkahawak kamay na naglalakad ni Dylan palayo sa bahay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang matutuwa ako kung ano man ang gusto niyang ipakita sa akin. Kung saan man niya ako dadalhin. 

" Dylan.. Ano bang regalo yun?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa likuran niya.

" Basta.. Surprise yun, kaya bawal mo pang malaman." aniya ng hindi man lamang ako nililingon. Alam kong masaya siya dahil sa tono pa lang ng salita niya ay ramdam ko na.

Hindi ko na lang siya kinulit pa at nagpatangay na lang ako sa kaniya. Napakarami naming nadaanang puno at iba't ibang klase ng bulaklak. Napakakulay.. napakaganda ng buong paligid.. Ito na ba ang pinapangarap ko? Manghang-mangha ako sa bawat paru-parong dumadopo sa mga bulaklak at gayundin ang mga tutubi na mabilis ding kumikilos makaalis sa daan namin. 

Dylan.. Thank you..

Nakangiti kong sabi sa isipan ko habang nakatingin sa pigura ni Dylan na patuloy lang sa paglalakad.

 Ang saya ko, sobrang saya ko ng makilala kita Dylan. Napakalaking biyaya ka sakin. Thank you.. thank you..

Tumigil na sa paglalakad si Dylan kaya napatigil na rin ako. Humarap siya sa akin at ngumiti. Bigla na lang akong nakaramdam ng ibang sensasyon sa katawan ko ng makita ang ngiti niyang yun. Ibang-iba, di kagaya ng dati. May pinag-iba ba talaga? o ako lang nag-iisip nito? Waaahh!! ano ba Deigh!

" Umm..  Andito na tayo, Ishy." umalis si Dylan sa kinatatayuan niya upang magbigay daan sa akin, sa gusto niyang ipakita.

Nagulat ako ng makakita ng mga bulaklak na nakakalat sa isang tela sa damuhan. Lumapit ako doon at naupo. Mayroong isang basket dito na siguro'y may lamang pagkain, kaya binuksan ko ito at nakita ang iba't ibang kulay ng cupcake. Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Dylan, pero di na ako nagtangkang lingunin pa ito.  Nakakita din ako ng box ng... cake? Nangunot naman ang noo ko kung para saan yun, kaya napabaling ako dito sa katabi ko. Nabigla na lang ako nang may inilagay siya sa ulo ko, na siya namang ikinayuko ko.

Birthday..hat..?

" Dylan, birthday mo?" tanong ko sa kaniya at tumango naman ito. 

" Gusto ko sanang icelebrate natin to, kaya nagpanggap akong nasaktan para makababa ka, kanina. Sorry." napakamot pa ito sa kaniyang ulo habang nakangiti sa akin.

Alam niya kasing hindi ako papayagang makalabas kung magpapaalam kami at alam niya ring hindi ako papayag na lumabas basta-basta kung wala namang dahilan.

" Ang bad mo, Dylan. Dapat sinabi mo sa akin agad para sana nagawan kita ng regalo." nakangusong ani ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAPER PLANE. (OneShotStory.)Where stories live. Discover now