Spoken

6 0 0
                                    

"Mahal"

Mahal, naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkita?
Naalala mo pa ba ang kislap ng ating mga mata?
Naalala mo pa ba ang saya na gumuhit sa ating mga labi ng tayo ay nagkita?

Malamang hindi, kasi natabunan na ng iba
Natabunan na ng karanasan mo sa iba
Natabunan na ng mga salitang natanggap mo sa iba
Natabunan na ng taong ibinaling ka sa iba.

Nagpadala ka sa tukso na sinabi mo iiwasan mo
Nagpadala ka sa tukso na sabi mo hindi mo gagayahin ang tatay ko
Nagpadala ka sa tukso na sabi mo hindi ko gagawin sayo
Nagpadala ka sa tukso kaya iniwan mo ako.

Mahal, nasaan na ang mga pangako mo?
Napako na ba tulad ng mga pangako sa amin ng tatay ko?
Nasan na ang sabi mong hindi mo ako iiwan, mahal ko?

Mahal, hindi mo alam kung gaano kasakit
Kasakit tignan ka sa malayo habang nakangiti sa iba
Kung gaano kasakit iwan ng walang pasintabi.

Mahal, pagod na ako
Tama na ang sakit
Bumalik ka na hindi ko kaya na mawala ka
Mahal, sige na parang awa mo na.

Poems and Spoken PoetryWhere stories live. Discover now