Bihira ako magLoad sa smart, kasi panget ang signal dito sa amin, ang hina pa.
Lagi ako sa globe nagloLoad, madami din nmn akong katext sa globe, yung mga dati kong clanmates,classmates,bff at yung beh ko. ^^. (lande lang?)
Si beh nga pala, 4th highSchool classmate ko sya, ang turingan namin ay mag bff lang, niligawan nia din nia ako pero nauwi sa wala, kasi friends lang at okay naman sa kanya. Until now nag kakatext padin kame, hingi'an ng mga advice, lakad mo ako dito doon, inshort tulungan kame, nahanapan kame. Pero iba na ngayon, may girlfriend na sya, at yung dating time nia at effort para guluhin ang inbox ko, ay nawala na. Oo naiintindihan ko na may girlfriend na sya at andun ang attention nia. Hindi kasi ako sanay na biglang may mawawala na isa sa mga nagbiBigay ng attention sa akin. Nagalit ako or tampo sa kanya (kapal ng face!) So, one time dinaAn ko sa groupmessage yung nasasaloobin ko. (mahilig po kasi ako mag GM) nag gm ako nimention ko sya sa gm ko, pero hindi sa name nia, hindi din sa tawagan namin, kundi sa isang code na 41 meaning BeH ..gets nio ba??basta un yun! ^^.
Then nag reply sya sa gm ko, sabi nia ako ba yung nasa gm mo beh? Hindi ako nag reply. (eh kasi ampalaya pa nga) then after that night, nag switch na ako sa SmartSim.. dun na ako nag loLoad, di na Active sa load ung GlobeSim ko, kaya kapag may magPM sa akin tru smart ako nag reReply, pero kapag si beh ang nag PM delete na agad.
Then dun na nag start yung sa amin ni Ron.
Pano?
Actually, kami ni Ron ay nagkakilala lang sa clan. Hindi naman kami ganun ka close..basta! Tapos every na magpapalit sya ng sim mag gGm sya, syempre madadaanan ako, may tawagan kami nan simula pa lang sa clan, dada ang tawagan namin, then dati wala akong pakealam sakanya,kung sino sya,basta katext lang at kaPS din.. pero madalang lang, kasi madalang lang din sya magLoad.
Then ayun, nung nag smart na ako, sya na lagi kong katext,kahit walang katuturan pinag.tya-tyagaan na lang namin ng isat isa para iwas boring.
Ever since hindi pa kami nagKikita ni dada ,hindi kasi ako mahilig sa mga meetUp na ganyan, pero nakita na nia ako tru facebook, nagkakaChat din kami,then gusto nga nia na mag skype para videoCall..eh wala akong skype. So wala din, hanggang sa dumating yung time na niloLoadan nia ako kpag wala akong load at sya meron para magkatxtPS kami..at vice versa din naman.
One night nagulat na lang ako, bigla sya tumawag sa akin, clueLess kung baket.
Wala lang naman daw sabi nia
Nag usap lang kami, kung ano pwedeng ma-itopic nmin,hanggang sa na punta dun sa PS ..go on the flow lang ako sa topic namin, kasi syempre be matured na nga diba? College na kelangan openMinded ka.
Then dun sa naging topic namin naging madalas na syang tumatawag sa akin, month ng august na to nangyare.
UnExpected ko na mafaFall InLove(daw) sya sa akin ,di ko alam,pero ako madali kasi ako maFall din kaya ayun,
One night yung nag iinuman kami ng tropa ko....
***************************
Ooops!! Bitin muna.. inaantok na po ako,.itutuloy ko ito kpag maganda connection namin sa net.!!
pasensya na kung may mga wrong type ako, tru tab lang po kasi gamit ko,eh kung anu anu ang mga napipindot ko. ^^.
Thanks for reading!!
Asahan nyo kapag maganda connection ng net, mahaba pa ito. At madadagdagan pa ito.!!
GoodNight to all.!!
GodBless ^^.
*****************************
BINABASA MO ANG
Personal Diary (choi hyo yoo)
Short Storyang magiging laman po nito ay pawang totoo, walang halong imbento. base po talaga sa aking nararamdaman araw-araw talagang diary ko po sya na ippublish ko sa world ng watty. first time. who cares???!! naman po diba?! wala nmn nakakakilala sa akin ii...