Dark Street (One Shot)

128 1 2
                                    

Yay! *Clap *Clap *Clap

Finally maipopost ko na ang Dark Street. lol

Nung minsan pa sana talaga to kaya lang hell week kami este exam week pala kaya hindi ko to matype. Anyway bukas ay Monday September 3, at may exam pa din kami pero I don't care. Hahaha

Nangyari talaga to. Promise. Chos! Enjoy :)

Ang pagpapakilala ko sa sarili ko ay gaya ng pagpapakilala ni idol BlackLily kay Charm Ming.

Hindi ako maganda, pero malakas ang loob. Feeling chix nga ako eh. Haha

Hindi ako sikat pero madaming may kilala sa akin.

Hindi ako fashionista pero ang angas daw ng dating ko.

Hindi ako mayaman, madami lang koneksyon.

Hindi din ako comedian pero ang daming natutuwa sa akin.

Hindi ako head-turner.

-

Title defense namin ngayon sa Research. Siguradong gagabihin na naman ako. Baka last pa matawag ang grupo ko. Ang hirap talaga pag leader, sayo iaasa lahat. Kinakabahan na ako. Paano kapag hindi ko nasagot yung mga tanong ng teacher namin? -_-

Kailangan ko ng inspiration. 6pm na. Hindi pa natatawag grupo ko. Kabang kaba na ako. Lumabas muna ako ng room, kunwari iihi ako pero hindi. Wala kasing signal sa loob ng room. Itetext ko yung crush ko, hihingi ako ng good luck sa kanya para mawala ang kaba ko.

"Uyy, itecs mo nga daw ako ng good luck. Salamat :)"

Message sent!

Mwuahahaha! Ang kapal ng muka ko ano? Ganun talaga. Kailangang kailangan ko eh. Tapos bago ulit ako pumasok sa loob ng room, Nag vibrate yung phone ko.

One Message Recieved!

Omo! Ang bilis naman mag reply ni crush. Hahaha!

"Hmm... good luck sa defense ;D"

Oh diba? Ang landi din ng crush ko. Hahaha. Pero wala yang gusto sa akin. Friendly lang siya talaga. Ganun ata talaga pag gwapo, friendly para maraming chix. Eh chix ako. Lol

Hindi na ako nag reply, sayang piso. Magkaiba kami ng network eh hindi naman ako unli.

"Groupmates!!! Hello :DD" Ako yan super hyper ko.

"Oh bakit ang saya mo? Hindi ka na natatae?" sabi ng ka gruop ko. Sabi ko kasi sa kanila natatae na ako sa sobrang kaba.

"Hindi na! Hahaha! Nag tecs sakin si crush eh, good luck daw. Alam niyo kahit umuwi na kayo, ako na bahala sa defense natin kaya ko na mag isa mwuahaha!" Hindi ako oa ha. Ganyan lang talaga ako, mababaw ang kaligayahan, malakas ang loob at makapal ang mukha.

"Buti naman nag tecs sayo! Hindi na tayo babagsak :DD"

"Eh pano mo naman nangyari na nagtecs yun sayo?"

"Actually ako nauna magtecs. Sabi ko sabihan niya ako ng good luck. Hahaha. Diba? Diba? I'm so great talaga *u*" Totoo naman na ako nauna magsabi. Hahaha 

Kung nagtataka kayo kung bakit alam ni crush na defense namin ngayon, kaklase ko kasi sister niya. Hahaha xD

"Group 4!"

Oooops! Kami na pala. Fighting!~ Hahaha

-

Yay! Tapos na mag defense. Ang galing galing ko. Ako lang nasagot sa mga tanong ni teacher. Wala maimik groupmates ko. Hahaha. Aww past 7pm na. Baka naiwan na ako ng last trip sa papunta sa amin :((

Nakatira kasi ako sa kabilang bayan. Mga 30 minutes ang byahe. Eh hanggang 7 lang last trip dun. Hayyy.

"Manong Kuya wala na po bang jeep?" Nasa terminal na ako niyan, wala akong makitang jeep.

"Ay nako Ate kakaalis lang ng last trip. Mag intay ka na lang ng coco bus. Mga 1 oras pa." Manong Kuya

"Ganoon po ba. Sige po mamats." Ako.

Haaay! :( Kaloka ang coco bus katagal tagal. Time check 8pm. Sa wakas! May coco bus na. Nakaka sura siksikan kami dito. Standing ovation tuloy ako eh ang baho baho ng mga katabi ko. Chos! Arte ko diba? Pero keri na, makauwi lang.

8:30 pm ng maka dating ako sa bayan ko. Wow ha, ang dilim na ng paligid. Walang kalaman laman ang kalsada. Nung naglalakad na ako papunta sa amin... lakad lang ako kasi poorita me, walang pang trike. Haha! 

Dalawang kanto nalang malapit na ako. Tapos sa di kalayuan may nakikita ako lalaki. Muka siyang rapist gangster. Medyo madilim kaya di ako sure sa nakikita ko. Naka hoodie siya tapos yung usong cap ng boys ngayon. Yung pang swag. Haha, actually hindi siya mukhang rapist nung papalapit na siya sakin ang cool niyang tingnan. O malakas lang talaga maka pogi pag malayo? Hahaha joke. Magkakasalubong na kami... malapit na...

"Akisha." Ang sweet ng pagkaka sabi nung stranger na rapist gangster. Hindi ako sure kung sweet nga o maganda lang talagang bigkasin ang name ko. Lol

Napatigil naman ako sa paglalakad. Pag lingon ko ulit, si Christian pala yun. Kababata ko, tsaka crush ko nung grade 4 ako. Kaya lang nung grade 5 niya lang ako na crushan. Muntik na maging kami nung grade 6 kaya lang hindi ko na siya type. Hahahaha.

"Uy! Pochichan ikaw pala yan!" Sabi ko. Kaya pala gwapo tingnan sa malayo, gwapo talaga. Nickname ko sa kanya yun nung elementary kami. Ako lang natawag sa kanya ng ganun kasi super close namin. 

"Gabing gabi ka na ah. Ingat pag uwi ah. Miss na kita :)" Sabi ni Christian.

"Oo nga eh. Sige ikaw din, I miss you too :)" Sabi ko naman.

Sweet namin no? Pero walang malisya yan. Ako lang nag bibigay ng malisya. Hahaha! Naka sanayan eh, ganyan kami nung elementary. Pero nalimutan kong sabihin kung hindi pa obvious 4th year highschool na kami. 

End.

Diba walang kwenta? Eh yan lang talaga yung nangyari eh. Ayoko namang memahin. Hahaha pagkatapos nun nakadating na ako sa bahay. Pinagalitan ako kasi gabi na daw ako umuwi papano daw kung may nangrape sakin? ASA. Hahaha. 

Dark Street (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon