Pikit mata kong sinalubong ang hampas ng hangin. Sariwang sariwa ito at sobrang sarap sa pakiramdam. Nakangiti ako habang nakatingin sa dagat na nasa harap ko.
Finally, after four years. Nakauwi narin ako.
Napangiti ako sa isiping 'yon. After what happened, hindi ko akalaing makakauwi pa ako. Akala ko kasi ay mananatili nalang ako sa bansang 'yon dahil sa nagawa ko. Napabuntong hininga ako ng isa-isang manumbalik sa akin ang mga ala-alang 'yon. Pilit ko mang iwasan ay kusang itong bumabalik sa isipan ko na parang kahapon lang nangyari.
Lumapit pa ako sa tabi ng dagat at saka doon naupo. Hapon na at kulay kahel na ang langit. Nakakamangha kung paano ang kahel na kalangitan ay unti-unting napapalitan ng kadiliman.
How did He do that? Paano Niya nalamang 'yan dapat ang kulay para sa gabi at dapit hapon. Nakakamanghang isipin na ang ganda ganda ng ating kalikasan pero may mga taong sinisira ito. Hindi ba nila naa-appreciate ang ganda nito? Paano na lamang kung sa susunod na henerasyon ay wala na ang mga puno, ilog, at dagat. Paano kung lahat ay gawa nalang ng tao? Kawawa naman ang mga bata sa panahong 'yon. They will not going to see how beautiful nature is.
Ipinagkrus ko ang braso ko sa ibabaw ng tuhod ko upang maipatong ang baba ko doon. Sa tuwing nakakakita ako ng ganitong kagandang tanawin, pakiramdam ko ay doon lang ako nagkakaroon ng peace of mind. Doon ko lang nakakalimutan lahat ng masasakit na karanasan dahil sa galit ng mga tao sa kasalanang nagawa ko.
Galit, sometimes iniisip ko, paano kung hindi nagtaksil si Adan at Eva sa Kaniya wala kayang kasamaan? Wala kayang galit? Lahat ba ng tao ay kayang magpatawad? Lahat ba ng tao ay takot manakit? Lahat ba ng tao ay hindi kayang manghusga? Kasi kung ganon, araw araw kong hihilingin na maibalik ang araw kung saan si Adan at Eva palang ang tao at ipagdarasal na sana sa puntong 'yon ay sundin na nila Siya.
Pero siguro kahit na anong hiling ko ay hindi na 'yon mangyayari. Kasi sa mundong ito, kahit ang pinakamabait na tao ay nagkakasala rin. Hindi man natin gustuhin, kung wala tayong choice tayo parin ang talo. Kung paiiralin natin ang kagustuhan natin, sa huli tayo parin ang talo.
"Chloe! Andiyan kalang pala." Sa likod ko ay rinig ko ang sigaw na iyon ni Stella.
Lumingon ako sa kaniya pero hindi parin umalis sa pagkakaupo. Naglalakad na siya papalapit sa akin. Habang papalapit ay mas nakikita ko ang pagkislap ng kaniyang nata gawa ng repleksyon nito sa dagat.
"Why still here? Mag-gagabi na."
"Hmm, gusto kong tignan ang paglubog ng araw eh."
Muli ay napangalumbaba ulit ako at tinitigan ang kaninang pwesto ng araw ng lumubog ito. May mamumunting liwanag pa naman galing sa kalangitan pero unti-unti narin itong nilalamon ng dilim.
"Oo nga pala, tumawag sa akin ang Daddy ng malamang nakauwi na ako. He wants me to visit him and Mom. Kaya baka bukas o sa susunod na araw ay aalis din ako para bisitahin sila. Is it okay to you? Maiiwan ka dito." Mahaba niyang wika. Naka squat na siya ngayon sa harap ko. Hindi nilalapat ang pang-upo sa buhanginan sa takot na madumihan ito.
"Nah, don't think about me. I'm fine. Masyadong malaking abala na ang nagawa ko ng magpasama ako sayo hanggang dito."
Tinapik niya ako sa braso kaya gulat akong napatingin sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at bahagyang kumikibot ang labi.
"Ano kaba! Hindi ka abala no? Kahit kailan hindi ka naging abala."
Napangiti ako sa tinuran niya. Kahit na puro kamalasan nalang ang nangyayari sa buhay ko, swerte parin pala ako. Kasi I have a friend like her. Yung tipong sasama sayong takasan ang mundo pero sasamahan karin pabalik para harapin ito.