Samantha's POV
" Alam n'yo namang bawal diba? Ba't pinagpatuloy niyo pa?" - tanong ni Kuya Jake sa aming dalawa ni Nathan. Kapwa kami tahimik at hindi makasagot.
" Pinag sabihan ko na kayong dalawa diyan. Pero bakit pinipilit niyo parin kahit bawal? " patuloy na pag sesermon sa amin ni kuya Jake- ang aming coordinator sa loob ng ministry.
"Sorry po kuya. Pasensiya na po kung nag lihim ako sa inyo. Di ko naman sinasadyang paglihiman kayo. Natakot lang po akong aminin sa inyo." - sagot ko habang nakayuko. Ilang sandali lamang ay hindi ko namalayang sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang linggo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari. Alam kong kasalanan naming dalawa ni Nathan yun at nagkapag pa sinungaling ako sa kanila. Ngayon parang may lamat na ang pagkakaibigang nabuo namin sa loob at labas ng simbahan.
Paano ko pa maayos ang samahang minsan ng nasira dahil sa isang pagkakamali. Mabubuo pa kaya ang samahan? Maaayos ko pa kaya ang nagkalamat naming pagsasamahan ni binuo sa ministeryo.
Ako si Samatha Riley Gomez, isang altar server o sacristan at ito ang aking kwento sa loob at labas ng aming simbahan.
(a/n: HEY! Please support this story hihiz. Just don't expect too much kasi hindi professional ang tagapagsulat hihihi. Asahang maraming typos and grammatical errors. Thank youuuu!)
YOU ARE READING
Church-mate
Short StoryA short story of how I fell in love with my church-mate. Specifically, my co- altar server.