"Hello anak? Kumusta na jan sa Cebu? Kumusta pag-aaral mo?" - mama, kausap ko sya ngayon sa telepono.
"Okay naman po ako ma, Uuwi po ba kayo dito? Gagraduate na po ako ng highschool. Sana po ay maka punta kayo. " -naka ngiting sabi ko na parang nakikita ako ni mama eh telepono lang naman ang kaharap ko. Haays .
Miss ko na sila Mama at Papa.
"Oo anak, uuwi kami ng papa mo. Baka gusto mong dito ka na lang mag Senior High. Para mas magkakasama na tayo ng ate mo.""Talaga mama? Sasama na kami sa inyo dyan? Yeeey! Gustong-gusto ko po. Miss na miss ko na kayo ni Papa." Masayang sagot ko kay mama. Halos hindi na mawaksi ang ngiti sa mga labi ko ng ibaba ko na ang telepono.
Sa wakas, makakasama ko na sila mama. Matagal-tagal na rin mula ng tumira ako doon, limang taon na pala ang nakalipas.
Haays. Kumusta na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako? Bigla naman akomg nakaramdam nang lungkot ng maalala ko si Josh, ang kababata ko, ang first love ko.
Flashback*
"Sammy, aalis ka na ba talaga? Iiwanan mo na ako? Di mo na ba ako love sammy?" - Malungkot na sabi ni Josh habang nakaharap sa akin, namamasa-masa na ang mata nito at halatang paiyak na. "Sabi mo walang iwanan diba? ba't aalis ka ngayon?" - Josh.
"Wag kang mag alala beb, babalikan kita. Uuwi din naman ako dito eh. Pansamantala lang naman ang pagtira ko sa Cebu kasi kailangan ni mama na mag abroad. Alam mo naman yun diba?"- Pigil- iyak kong sambit habang kayakap si Josh.
--------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Church-mate
Short StoryA short story of how I fell in love with my church-mate. Specifically, my co- altar server.