Chapter 12

7K 169 29
                                    

"You're creeping me out!" I groaned. Hinagisan ko pa si kuya ng unan sa mukha pero nakaiwas ang ugok.

"What's wrong with you?" nakakunot ang noo niyang tanong pero tumunog ang phone niya, signaling that someone messaged him from messenger.

Ugh, bumalik na naman yung nakakainis na ngiti niya.

"Papatayin mo ba ako sa tingin?" tanong niya kahit na nakatingin pa rin naman siya sa screen ng phone niya.

"Kung pwede lang, baka matagal ka nang nakalibing."

"How harsh, Dark," natatawa niyang sabi at binaba na ang phone niya sa table ng living room. Offline na siguro si Raven. "Bitter ka lang kasi naunahan kitang magkaroon ng jowa."

I frowned at him. "That kind of thing is too early for me."

"At bigla ka pang nag-english ha," sabi niya. "May pa-early-early ka pa jan. Ang sabihin mo, mabagal ka lang talaga," then he laughed like he was the bad guy in my story.

Nilaksan ko nalang ang volume ng music sa phone ko para di ko marinig ang tawa niya. Agad namang nag-ring ang phone niya, tumatawag yung jowa. Sinabihan niya akong pahinaan ang volume and I did. At sa harapan ko pa talaga sila nag-call----which then turned to be a video call kasi gusto raw ni kuyang makita nila ang isa't isa. Kadiri silang dalawa.

"Say hi to Dark, sweetheart," he said. Nakakadiri talaga.

"Hello Dark," I heard Raven said. Kumaway pa siya nang may pagkamahinhin kaya tinanguan ko lang siya.

"Hi future sister-in-law."

"F*ck," mura ng kapatid ko.

"What?"

"Sh*t," he continued. Tinakpan niya ang cellphone niya. "Kinilig ako don dude," mahinang sabi niya sakin.

Uh, nakakadiri talaga sila. Pero nakakatuwang tingnan si kuya ngayon e. Mukhang bakla.

"Don't mind my brother," sabi ni kuya nang alisin niya ang takip ng phone niya.

Tumawa nang mahinhin si Raven. Ugh! Bakit ba nila pinaparinig sakin yung mga kalandian nila??

I yawned nang makaramdam ako ng antok. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa. Okay lang naman siguro kung matulog ako rito. Ang boring kasi ng kalandian nina kuya at Raven e.

...................................

"Kadiliman?"

I felt a slight tap on my cheek. I didn't want to open my eyes, I'm still sleepy.

"Kadiliman," malambing pa ring tawag ni Amber. I know that it's her since siya lang naman ang tumatawag saking kadiliman.

"Uy," she still insisted. She hugged me and I felt comfortable. I hugged her back. "Yan. Gising ka na kadiliman."

"What are you doing here?" I asked with my eyes still closed. She rested her head on my chest and I patted her head.

"Sabi ko sayo may date tayo today."

"Were you serious about that?"

"Kaya nga andito ako ngayon diba?"

"Tinatamad yata ako, Amber."

"Then I'd wait 'til you're not lazy anymore," sabi niya at mas siniksik ang sarili sakin. Napansin kong nasa sofa pa rin pala kami nang maramdamang medyo masikip. "Ih. Hug mo pa ako, kadiliman."

I smiled then finally opened my eyes to see her. She's wearing a simple tube and a knee-level skirt. I hugged her tighter.

"How's your exam?" I asked when I remembered na kahapon lang natapos ang exam niya.

Playing with the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now