My Crush

54 0 0
                                    

Chapter 1 (Claire and Dark & Shone and Jade)

Haaaaaay … akala ko improving na yung relationship ko kay Dark, akala ko from bff magiging bf na, mali pala ! madami din pala ang nasasaktan sa maling akala. Kahapon ko lang nalaman nung pageant, latest gf nya ngayon is yung Ms. Saint Peter, yung nag champion..

Ano nga ba name nun? Hmm

Khy?! Ahh oo, Khy Mae Alcantara. Tss compared to her mas maganda at mas appealing naman ako dun.

Di nga lang halata ! kase, bulag po si Dark, see, kaya nga Dark name nya diba?!

Hehe XD JOKE

“Hey, Claire Montero? Are you in Earth?!” sabi ni Nicole, cousin ko

“ahm, hmm?”

“kanina pa ko SALITA ng salita dito and you’re not listening, ano ba kasi iniisip mo?”

“w-wala”

“ah, I know. Is it Dark?”

Pano nya nalaman? Minental Telepathy ata ako nire eh

“h-hindi ah, kung sya lang, never ko na syang pag aaksayahan ng time!” denial and galit kong sabi

“ahhhhhhh” sigaw ng mga students

Ahh alam ko na to, nandito na sila, ang mga celebrities XD … araw araw kasi ganito eksena eh …

Lumabas din kami ni Nicole para tignan sila, know naman, andun si CRUSH eh XD hmm …

Pupunta n asana ako sa labas ng may biglang humila sakin papalayo! Anak ng meant to be naman talaga oh, sino ba tong STUPID, MORON, IDIOT, JERK, HELL NA TO?

“HEY ! YOU, STUPID, MORON, IDIOT, AND JERK LET ME GO!”

Hindi siya sumasagot, kaya kung ano ano sinasabi ko sa kanya

“YOU THREE DIMENSIONAL CREATURE, ARE YOU OUT OF YOUR MIND? BITIWAN MO KO! DON’T YOU KNOW ME?

Humarap sya sakin, dahil din siguro sa mga pinag sasabi ko dito! Yari ka sakin ! >:) Pagharap nya nagulat ako !

O_O

Gosh, antanga mo CLAAAAIIIIIRRRRREEEE!!!!! ….

Shone POV

Hi, Im Shone Torres, 4th year student, running for Valedictorian and SCO President, Mr. Genious ang tawag nila saken, pero kahit ganun ayoko pa rin ng pumapasok. Kung di land dahil sa SCO na yan, di talaga ako papasok

“Kuya, pano tayo bababa ng kotse? Masyadong crowded!” tanong sakin ng younger sister ko, si Fille

“Teka asan na ba si Dark?” tanong ko

“Bumaba na, tulala ka kasi kanina?! Ano  na? Isip bilis!”

Ano ko si James Isaac Newtron? Na everytime na tatanungin nya ko kagad brain blast?

“bahala na bilis” hinawakan ko sya sa kamay at tumakbo kami para di maabutan ng mga students.

Bat ba kasi ganyan sila, we’re not even from royal family nor actors or actresses so bakit kami pinag kakaguluhan? Hmm, what an annoyance!

Hanapin ko na nga lang mamaya si Claire para matangal stress ko! Nakakatuwa kasi sya eh, she’s so cute and I think I like her! *smirking*

Jade’s POV

“Ate, sya ba yung crush mo, yung sinabi ko sakin last night?” si Zyrie, sister ko

Tumango lang ako dahil nakatingin ako kay Shone

“wOw ! ate, ngayon ko lang nalaman, kahit ang nerd na katulad mo pala may taste din sa mga lalake!” naka smirk na sabi nito

Humigpit ang hawak ko sa bag na dala ko. Di na ko nakikinig sakanya dahil mas gusto kong titigan ang Long Time Crush ko na si Shone.

Yes. Tama kayo, Long time crush, kasi since 1st year crush na crush ko na sya. Jade Mercado a 4th year student, the campus nerd and the SCO vice president had a crush on one of the famous guy in the Saint Peters Academy

Though rival ko sya sa pagiging Valedictorian, di ko pa rin sya maturing na kalaban, iba talaga epekto ng lalaking to sakin. Nakakabaliw! Haaaaahh.

“Zyrie, tara na wala na sila eh”

Teka asan na yun? Bahala na nga sya.

Makapunta nga mamaya sa SCO room, andaming gagawin for the foundation… haaahh stressful, buti nalang andun si Prince Shone ko!

>///<

Dark’s POV

Mabilis akong bumaba ng kotse, kasi alam ko na mangyayari eh, magkaka stampede! XD hehe, pero totoo yun.

 Papunta na ko sa room ng Makita ko si Panget na papalabas, kaya hinila ko sya para sabihin yung good news.

“HEY ! YOU, STUPID, MORON, IDIOT, AND JERK LET ME GO!” sabi nya, pero di ko sya pinansin

If you’re wondering kung bakit di nya ko nakilala kahit nakatalikod lang ako, wag na kayong magtaka! Napaka STUPID kasi nito, wala pa ata sa ¼ ang utak nito.

Nagsalita ulit sya

“YOU THREE DIMENSIONAL CREATURE, ARE YOU OUT OF YOUR MIND? BITIWAN MO KO! DON’T YOU KNOW ME?” sabi nya ulit, pero this time, nainsulto talaga ako. Ikaw ba naman sabihan nun? Bakit mukha ba akong alien?

Humarap ako sa kanya … at ganito yung expression nya. O_O

“HOY !!! ANONG SABI MO? STUPID, MORON, IDIOT, JERK AND THREE DIMENSIONAL CREATURE AKO?! TONG GWAPO KONG TOH! AKO KAYA ANG MR. SAINT PETER DITO!” defensive kong sagot

“Grabe, ang hangin! Huh?! Kaw na the best ka eh! Bakit mo ba kasi ako hinila?”

“May good news ako!” excited kong sabi

“ano naman yun?” malungkot nyang sabi

Teka, good news ang sabi ko, pero bakit parang maiiyak sya? Ay, STUPID talaga, baligtad utak !

“Sinagot na ko ni Khy! Aren’t you happy for me?”

“ah-ahhh, congrats” sabi nya, pero parang di naman sya sincere sa sinabi nya, tapos after nyang sabihin yun tumalikod sya

“uy, bakit?, umiiyak ka ba? Ano ba nakakaiyak sa sinabi ko?” nag aalala kong sabi

Di sya humarap, at parang iniiwasan nya na makita ko ang mukha nya…

“nagtanong ka pa!!! manhid” bulong nya, pero ayaw mag sink in sa utak ko

Napansin ko nga kanina, namamaga mata nya, parang umiyak sya, sino kayang TANGANG lalaki nagpaiyak sa bff ko? Lagot sya sakin.

“may homework pa nga pala ako, sige alis na ko! Maya na lang BYE!” at un after nyang sabihin yun mabilis na syang umalis.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

J COMMENT

JVOTE

J BE A FAN

#kylesalvador

My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon