Kabanata 1

11.2K 279 4
                                    

Amaya Doreen

Ano pa ba ang mga dapat bilhin?

Napaisip ako at pinasadahan ulit ng tingin ang listahan. Pupunta kasi si manang sa grocery at ako ang maglilista ng mga dapat bilhin.

Ano pa ba ang kulang? O may kulang pa ba?

Napakamot ako sa sentido gamit ang kabilang dulo ng ballpen. Parang may nakakalimutan pa talaga akong ilista.

"Maya!"

Napatayo ako agad at nakangiting nilingon ang tumawag sa 'kin.

"Alpha Zaire."

"Maya." sabi n'ya sa may nagbabantang boses ng makalapit sa 'kin.

Tinawanan ko lang s'ya at naupo ulit sa sofa. Ayaw n'ya kasing tinatawag ko siyang Alpha. Naupo s'ya sa tabi ko at tiningnan ang listahan.

"Geez. Oo na lang, Zaire." Pinaikot ko ang mga mata at sinilip din ang listahan. Ngumuso ako. "Parang may hindi pa ako naililista, Zaire."

Ngumiti s'ya sa sinabi ko at walang pasabing kinuha ang ballpen sa kamay ko.

"May mga kulang ka pa nga." Nagsulat na s'ya at pinanood ko naman s'ya. "Napakamakakalimutin mo, Maya."

"Ang gwapo mo talaga." puri ko at hindi pinansin ang sinabi n'ya. Ibinalik na n'ya sa 'kin ang listahan at tiningnan ko naman ang mga isinulat n'ya.

Marami pa nga akong kulang.

"Wag mo akong bolahin, Maya." Ngumiti s'ya at ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko at tinampal ang kamay n'ya.

"Ginugulo mo na naman eh!"

Hobby n'ya ang guluhin ang buhok ko.

"Tss. Gumanda ka lang, umarte ka na." Inirapan n'ya ako na ikinatawa ko.

Oo, dahil sa nangyari noon ay napagdesisyunan kong umalis at magpakalayo-layo. Kasabay noon ay ang desisyong baguhin ang sarili ko. Hindi na ako ang mataba, pangit at mahinang Amaya Doreen noon. Tatlong taon na ang nakalilipas at marami ng nagbago sa 'kin, sa buhay ko.

"Sa ating dalawa ay ikaw ang mas maarte." Natatawang pinisil ko ang ilong n'ya.

Tinutukoy ko ang pagiging sobrang malinis n'ya. Ayaw niyang makakakita ng kahit isang alikabok man lang. Ganoon kaarte ang isang 'to.

"Ipagluto mo na lang kaya ako?" Ngumuso s'ya at pinapungay ang mga mata. Halatang nagpapacute. "Nagutom ako sa mga walangyang rogues na 'yon."

"Yes, boss!" Sumaludo ako at pumunta na ng kusina.

Alam ko naman kung gaano nakakapagod maging isang alpha.

"Luna Maya." Nag-bow ang mga kusinera ng makita ako.

"Guys, seriously?" Napatawa ako sa reaksyon nila at napailing. "Hindi n'yo na kailangang mag-bow, okay? I'm the mother of this pack at dahil doon ay mga anak ko na kayo. I don't care kung 'yon ang paraan n'yo para ipakita ang paggalang o respeto. Basta ayaw ko no'n. Feeling ko kasi prinsesa ako at alalay ko kayo. Pamilya tayo, okay?"

Hindi ko alam kung may nakakaiyak ba sa sinabi ko dahil halos lahat sila ay maluha-luha ang itsura.

"Luna..." Sabay-sabay na sabi nila at niyakap ako.

Mabuti na lamang at naibalanse ko ang katawan ko kundi'y pare-pareho kaming matutumba. At masaklap 'yon dahil malamang lugi ako dahil ako ang maiipit sa ilalim.

Sa dami nila ay siguradong maiipit ako.

"Geez. Enough with the drama, guys! Tulungan n'yo na lang akong ipagluto ang Alpha n'yo!"

-----

Makalipas ang halos isang oras ay natapos na kami sa pagluluto.

'Zaire, kakain na! Bumaba ka na d'yan at pakainin ang mga bulate mo sa tyan!' I mindlinked him at dahil nakaopen ang mindlink sa buong pack ay narinig nila ang asar na pag-ungol niya

'Lucas suddenly want to try that dog food, pedigree!'

Naghagalpakan ng tawa ang lahat. Hindi naman lingid sa kaalaman namin ang ugali ng wolf n'ya na palaging gustong maging healthy. Zaire's wolf, Lucas, is afraid of worms.

'You're a wolf not a dog!'

Asar na umungol ito at itinaas na ang barrier.

"Lucas is panicking, thanks to you, Luna." sarkastikong sabi ng kararating lang na si Zaire. Humalik ito sa pisngi ko bago maupo sa pwesto n'ya.

"Siri's fault." Nakangising nagkibit-balikat ako sa kanya.

Siri is my wolf. Unlike me, maganda at malakas na talaga ang wolf ko. We're totally opposite. Pero habang tumatagal ay nagkakasundo na kami at kung minsan ay naaadopt ko na rin ang ugali n'ya. Ang mambully.

Akala ko nga noon ay wala talaga akong wolf dahil walang kumakausap sa 'kin at hindi ako makapag-shift but when the rejection happened, bigla s'yang lumabas sa isang sulok ng utak ko at umastang parang walang rejection na naganap. Though naramdaman ko ang pain n'ya that time.

'Stop reminiscing the past and start eating those foods! I'm damn hungry, human!' sermon ni Siri na ikinatawa ko. Human ang tawag n'ya sa 'kin dahil nga tao ako.

"May naiisip na naman ba kayong kalokohan?" pukaw ni Zaire.

Napansin n'ya marahil ang pagkatulala ko, senyales na kausap ko ang aking wolf. Natutulala talaga kami kapag kausap ang kanya-kanya naming wolf.

"Don't worry, Alpha. Nagugutom lang s'ya." Nginisihan ko s'ya ng nakakaloko at nagsimula na kaming kumain.

Kahit ayaw niyang tinatawag ko siyang Alpha ay wala siyang magagawa lalo na kung gusto ko siyang tawagin ng gano'n.

-----


"Luna, kami na lang po ang maghuhugas n'yan." pigil sa 'kin ni Liya.

Pinipigilan n'ya akong tumulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Marami iyon at matatagalan pa kung walang tutulong sa kanilang dalawa.

Nagbago man ako, physically. Hindi ko pa rin maaalis sa sistema ko na minsan sa buhay ko'y naging Omega ako. Kaya kahit Luna na ako ay tumutulong pa rin ako sa mga gawaing-bahay. Hindi ako nagpapapigil at laging pinagpipilitan ang gusto ko.

Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdating n'ya.

"Alpha Zaire." rinig kong sabi ng mga kasama ko rito.

Na sa halip tulungan ako ay pinapanood na lamang nila akong maghugas. Napailing ako.

"Ginugulo ba kayo ng pasaway n'yong Luna?"

Napahagikhik ang mga naroroon lalo na ng pingutin ako ng Alpha nila at iniharap sa kanila. Nakasimangot naman ako dahil may bula pa ang mga kamay ko at tumutulo ang tubig sa sahig.

"Bakit ka ba narito?" nakangusong tanong ko at binanlawan ang kamay bago punasan.

Inalis n'ya ang pagkakahawak sa tenga ko. Pero bago pa s'ya makapagsalita ay nagkatinginan na lamang kami pagkatapos marinig ang balita.

'Alpha, five rogues on the border.'

SILVERMOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon