"Grrr! I hate research! At bakit kailangan pa dito sa library, eh meron namang Internet. Sino ba nagpauso ng No Internet policy." gigil ni Maegan na abala sa pagbubuklat ng libro sa kanyang kinauupuan.
Maya-maya ay biglang pumasok ng library si Adrian; mag-isa,at naupo 3 tables away sa harap mismo ni Maegan.
"Naku po! Tadhana ba naman." kinikilig na sambit ni Maegan.
Inilabas ni Maegan ang cellphone niya at pinokus yun kay Adrian. Zoom in! Ayan buong mukha ni Adrian ang nasa phone niya, ng biglang nawala ito.
"Teka! Oie san ka pupunta?" pabulong niyang nasabi.
"Dito." pahayag ng boses na malapit sa kanya.
"Huh?" at biglang napatingala si Maegan."Oh no!" naisip niya ng makilala kung sino ang nasa kanyang harapan, si Adrian lang naman.
"Hi! I caught you focusing your phone on me." nakasmile at kalmang sinabi nito.
"Huh? Ano? Ako? Di ah naglalaro ako ng games." depensa ni Maegan.
"Ssssh! Huwag ka maingay, library to diba? Anyways, if that's what you say. But do you mind me seating here?" tanong ng binata.
"Ahhhh...Ehhh. Sure, wala namang naka-upo."
"OMG!OMG!OMG! Is this real?" naisip ni Maegan at pinisil-pisil ang pisngi niya.
"OK ka lang?" tanong ni Adrian.
"Huh? Oo naman. Exercise lang sa mukha." sagot nitong habang patuloy na pinipisil ang mukha.
"OK ka din ah. Teka, by the way I'm Adrian."
"Yeah, I know... este, I'm Maegan."
Inabot ni Adrian ang kamay nito upang makipag-shake hands, saka naman niya inabot ang sa kanya. Di ma-explain ni Maegan ang nararamdaman niya, feeling niya sasabog na siya sa kaba at sa feeling na parang nasa alapaap siya.
"Ooops, ang lamig mo naman yata. May sakit ka ba?"
"Huh? Wala, sa aircon lang siguro."
Nagpatuloy si Adrian sa binabasa niyang libro, habang si Maegan ay di na maintindihan ang kanyang binabasa. Feeling niya nasa heaven na siya. Buong oras siyang nakangiti, mabuti na lang at abala si Adrian sa binabasa niya.
Kitang kita niya na mas maputi ang polo nito sa malapitan at amoy na amoy ang pabango nito. Sobrang nakaka-inlove! Minemorize niya lahat ng anggulo ni Adrian. Tinitigan bawat sulok ng mukha nito, mata, ilong, tenga, leeg, balikat, braso at ang lips... "Hay, ano kaya feeling na madampian ng mga lips na yun", naisip nito at napahawak sa sariling mga labi.
"Sana di na matapos ang araw na'to. I so love you library!" naisip ni Maegan.