Chapter 17
"Oh My!"
Riley's POV
Natapos din ang last subject namin ng matiwasay.
Akala ko kasi baka biglang sumulpot yung Principal or worst yung mga magulang ng butiking yun.
Buti na lang wala.
"Uwi na tayo best" sabi ni Pamela habang nililigpit yung mga basura niya
"Ayoko pang umuwi Best eh" sabi ko habang tinutulungan siya
Ayoko pang umuwi kasi mag isa nanaman ako dun nag text kasi si kuya kanina na baka gabihin nanaman siya umuwi
Teka? Bat parang gabi umuuwi si Kuya ngayon? May pinagkaka abalahan ba siya??
"Huy Best!!"
"Ay kabayo ka!"
Tinignan ako ng masama ni Pamela
"Ah eh munste tayo best" pagyaya ko sa kanya
"Ay sige best gora ako diyan!"-Pamela
Kung hindi siguro shonga tong bestfriend ko baka matagal na kaming mag "Ex-Bestfriend"
Pagkatapos naming magligpit at mamulot ng mga sandamak mak na basura ni Pamela sa ilalim ng desk niya ay lumabas na kami sa classroom
Unique kasi yung upuan namin may maliit siyang desk at sa ilalim nun may maliit na drawer
Akalain mong ginawang trashcan ni Pamela? tsk.
Naglalakad na kami palabas ng school at may kumalabit sa akin
Ohemgeegulay may kumalabit sa akin!
Ang bango niya, gwapo siguro to.
Nung nakatingin na ako sa kumalabit sa akin.
tsk.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina.
"Hi Gail!" masayang bati sa akin ni Alex.
Oo yung sidekick ng mortal kong kaaway.
"Anong kailangan mo?" pagtataray ko sa kanya
"Wow, matalino ka nga" sabi niya at ngumiti ng masama na parang may binabalak
"Duhh magiging star section ba ako kung hindi ako matalino? So ano ang kailangan mo?"
Tanong ko ulit sa kanya
"Well first of all, I'm very proud of you" sabi niya habang ngumingiti
Proud?? Ano siya? Nanay ko??
"Ha??"
Ngumisi siya muna bago nagsalita
"I'm proud dahil pinahiya mo si Venice"-Alex
Pinahiya? parang ako ata yung napahiya dun tsk.
"So?"-Ako
"So I have a favor to ask" sabi niya at tinignan ako ng Seryoso
Tch. Sabi ko na nga ba at may kailangan tong mokong na to eh
"At ano naman yun?" tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay ko
"Kalabanin mo si Venice"-Alex
Ay? Bukod pala sa amin ni Pamela may shonga din pala?
"Eh ano naman ang ginagawa ko ngayon? Diba kinakalaban ko na siya. Shonga ka din pala noh" -Ako
Tumawa siya bigla
Baliw din ba to?
"You know Gail I like your guts" sabi niya at tumingin sa akin na parang feeling gwapo tsk.
BINABASA MO ANG
My Book of Love (GirlxGirl)
Teen FictionSi Riley Gail Santiago ay isang Happy-Go-Lucky girl balewala sa kanya kung sa paningin mo ay isa siyang baliw basta nakakapag aral siya, at may kalayaan na gawin ang gusto niya para siyang malayang ibon na kayang gawin ang gusto niya, pero may isa s...