CHAPTER 5

12 0 0
                                    

Jelm's POV

"Congratulations Erika. Para sayo nga pala tong flowers." sabi ko sabay abot ng isang bouquet of flowers

"Ahmmm, thank you. Hard work rin na man kasi naming lahat yun eh. So it's mot just me na dapat kinocongratulate mo. Ahmm I think I should be going now. Baka hinihintay na ako ng parents ko."sabi ni Erika.

"Naipagpaalam na kita sa kanila. Gusto ko muna tayong mag-usap Erika please?"pakiusap ko sa kanya

"Oo na sige na. Kung hindi lang...." sabi ni Erika.

"Ano ung dapat mong idudugtong?" sabi ko sa kanya.

"Wala, ang sasabihin ko sana is kung di lang kita kaibigan uuwi na talaga ako eh." sabi ni Erika sabay tawa.

Erika's POV

 Sa totoo lang ang dinugtong ko talaga doon ay kung hindi lang kita mahal. pabulong ang pagkakasabi ko doon.

"Pero kung mahabang usapan 'to, baka abutin tayo ng alas-10 ng gabi. Eight oclock na eh." sabi ko.

"Ay oo nga nga, susunduin na lang kita bukas sa inyo. Itetext na lang kita bukas. Maybe lunch andun na ako." sabi ni Jelm

"Alam mo ang bahay namin?"tanong ko sa kanya.

"Oo everytime na ihahatid ka ni RJ noon sinusundan kayo ni Jezzer gamit ang motor. Noong tumigil na siya, lagi kaming nasa likod ng jeep na sinasakyan ninyo nina Joyce." sabi ni Jelm.

"Ah okay, maybe pwede mo ako ihatid ngayon? Pero pwede wag motor gamitin natin kasi, naka mini skirt ako eh." sabi ko sa kanya.

"Sige" sabi ni Jelm.

 Jelm's POV

 Pagkahatid ko ke Erika sa kanila at nagpakilala sa parents nya, di ko inakala na susunduin ako ng kapatid ko na si Jeric at ng pinsan kong si Jezzer. Mayroon daw kailangan sabihin sa amin si Mama pag-uwi namin.

"Jelm, nakaayos na ba ang gamit mo?" bungad na sabi sa akin ni mama

"Opo mama ayos na rin po ang lahat, nagpakilala na po ako ke Erika.

Handa na po akong umalis" sabi ko sa kanya

"Matulog na kayo anak, maaga pa ang luwas natin bukas. Dahil na resched ang flight natin." sabi sa akin ni Mama

Kahit sabihing mabigat ang aking loob umoo na rin ako. Di na ako magpapaalam ke Erika. Lalo ko lang siyang sasaktan sa gagawin ko. Aalisin ko na ang sim card ko. Kahit kina Marlon di ko sasabihin. Si Jezzer na ang bahala sa pagsasabi sa mga kaibigan ko.

Pasencya na Erika ayokong humantong sa ganitong tagpo ang lahat............

Erika's POV

 Kinabukasan maganda ang gising ko. Maaga akong nagising kahit pagod mula sa Gala Night. Tumulong pa nga akong sa pagtitinda sa tindahan


Noong bandang 11am nagsimula na akong mag-ayos. Malapit na kasing dumating si Jelm. Excited na ako marinig ang lahat.

12pm

 Tanghali na pala. Dapat nandito na yun ah. Tinitingnan ko ang aking cp,Teka ngaun ko lang napansin, di nagtetext sa akin si Jelm. Nag good morning ako kanina di naman nagrereply sabi ko sa sarili ko.

Kaya eto sinisimulan ko ng gawin ang aking article sa dyaryo, habang naghihintay sa kanya.

  Erika Kristine Villanueva, a senior student of Divine Learning School did a great performance on her last Gala Night for the DLS Glee Club.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Prom QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon