Special Chapter #2

15.7K 426 23
                                    

Interview


||Third Person||



"Isang magandang magandang magandang magandang umaga sa inyo mga kababayan!" masiglang bati ng interviewer sa mga manunood habang nakatingin sa camera. Live on air sila ngayon kaya naman bawal magkamali at todo bigay sa pagsasalita ang interviewer at mga stuff ng palabas.


"Ngayon umaga ay may mga kasama akong tiyak na ikakasaya niyong makita! Kay tagal po natin hinintay ang pagpunta nila dito sa ating palabas!" sabi ng interviewer. Inilihis naman ng camera man ang camera sa direksyon ng walong taong nakaupo sa isang mahabang sofa na nakaharap sa pang-isahang upuan na inuupuan ng interviewer.


"Yes mga kababayan! Nandito ang mga tauhan ng Badass Genius!" excited at tila masayang masayang sabi ng interviewer saka sinabihan ang walong tao na batiin ang mga viewers nila na nanunood.


"Hello sa inyong lahat! Kilala niyo na ba ako? Charlie here! Ang pinaka cute na lalake sa balat ng lupa!" hyper na bati at pagpapakilala ni Charlie at sunod sunod naman nang nagpakilala sina Alex.


"Alex here."

"Johann."

"The name is Dylan. Nice to meet you!"

"Yuuki here! Ang pinaka cute at magandang babae sa earth! Gusto niyo ba ng chocolate? Paborito ko rin yo—"

"Cassidy is the name, people! Remember that because that's the name of the most beautiful, gorgeous, wonderful and beautiful again, and phenomenal woman in the whole universe!"

"........."


"Umm, sir Ke—Lei? Kayo na po ang magpapakilala. Wala po ba kayong gustong sabihin din?" sabi ng interviewer nang hindi nagsalita si Kevin. Sinamaan pa nga siya nito ng tingin nang akmang tatawagin niya itong Kevin.


"Ahh—siya si Kevin Lei Archangel! Lei nalang dahil nagiging halimaw yan kapag tinatawag na Ke—sabi ko nga tatahimik na." nakangusong sabi naman ni Yuki. Nalipat naman ang tingin ng interviewer sa tahimik na babaeng  tila bored na bored na at walang kainteres interes sa pinaguusapan nila.


"And finally! Eto na ang pinakahihintay natin! Ang bida ng Badass Genius!" masayang sigaw ng  interview na medyo ikinangiwi ni Kira dahil naka mic ito idagdag mo pa na nasa tabi niya yung isang malaking speaker. Kahit na ayaw at tamad na tamad na magsalita ay napilitan siya.


"Akira Jade Alford." pagpapakilala nito sa buo niyang pangalan dahil alam naman na ng mga manunood na peke ang pangalan niyang kira sanford.


"Kyahhh! Hindi ako makapani-walang nasa harapan ko kayo! Fan na fan ako ng Badass Genius, araw araw ko talagang tinitingnan kung may update na ba!" patiling sabi naman ng interviewer. Napaupo tuloy ng bahagya ang direktor na nasa tabi ng cameraman dahil masyadong hyper ang interviewer.


"Ahh—ehem." pekeng ubo ng interviewer saka umayos ng upo.


"Maraming gustong itanong ang mga manunood natin sa inyo tulad ng kung matatapos na ba ang Badass Genius at kung ano bang mangyayari sa ending. Pede niyo ba kaming bigyan ng kauntong info?" tanong ng interviewer kayna Kira na tila interesadong interesado sa susunod na mangyayari sa storya.


"Were no to spoilers pero asahan niyong magiging mas kaabang abang pa, exciting at thrilling ang mga susunod na chapter." sagot ni Dylan habang nakangiti. Kinilig naman ang ating baklush na interviewer. May pakagat kagat pa ito ng labing nalalaman at pag ipit ng kanyang 'invisible' hair sa likod ng tainga.


"Pero ito ang pinakagustong malaman ng lahat! May posibilidad ba na may mamatay sa inyong walo sa storya?" tanong ng interviewer na tila kinakabahan.


"Who knows? Walang pang sinasabi sa amin ang author." pa-misteryoso namang sagot ni Johann. Humaba naman ang nguso ng interviewer dahil gustong gusto na nitong malaman ang mga mangyayari pero syempre ayaw niyang may mamatay sa walo.


"Ito pa ang isang interesting na tanong! Kailan ba magiging Official ang relasyon nina Kira at Ke—Lei? Malapit nang matapos ang storya pero di pa rin sila Official!" sabi ng interviewer na tila nagtatampo. Tumingin naman ang lahat kayna Kira at Kevin habang si Kevin ay nakatingin kay Kira na nakatingin sa kawalan.


"Dunno. Ayaw pa akong sagutin ni Akira." maiksing sagot ni Kevin at parang walang bukas naman na nagtititili ang nagi-interview. Napaubo tuloy ulit ang direktor na siyang nagpatigil sa pagtili nito.


"Ang sunod na tanong! Yuki and Charlie! Wala ba kayong balak na i-level up ang inyong relasyon? Kailan magkakaroon ng develop-ment sa inyo?" tanong naman ng interviewer kayna Charlie at Yuki na parehas itinagilid ang ulo.


"Level up? Yung parang sa game?" tila walang kamuwang muwang na tanong ni Yuki na ikinatango naman ni Charlie. Napasigaw naman ang interviewer saka tumayo at tila nag-emote sa isang sulok.


"Okay lang yan mga Charlie and Yuki love team fans! Sabi nga nila napi-feel mo na mahal ka ng isang tao kahit na minsan ay hindi mo sinasabi! Dadating din ang hinihintay nating development!" sabi nito na tila punong puno ng hope. Napabalik naman kaagad ito sa inuupuan nang mapansin na masama ang tingin ng direktor sa kanya.


"Sunod na tanong! Ano bang nangyari sa inyo Cassidy at Johann? Naging kayo na ulit pero bakit wala kaming nakikitang mga sweet achuchu?" sunod sunod at tila atat na atat naman na tanong ng interviewer kayna Johann at Cassidy. Napataas ang kilay ni Cassidy habang si Johann naman ay tahimik lang.


"No to spoilers nga di ba? Excited much? Abangan nalang and also, hindi Cassidy ang tawag sa akin. Dyosa, baks, D-Y-O-S-A. Dyosa." tila marte at masungit at the same time na sabi ni Cassidy. Nag flip hair pa ito saka umirap ng ubod ng bongga.


"Nagtatanong lang naman  eh.." pabulong na sabi ng interviewer habang nakanguso pero napaiwas tingin nalang nang taasan siya ng kilay ni Cassidy.


"Sunod na katanungan! Alex at Dylan! Kailan niyo din ba balak na maging official couple? Mahal niyo naman ang isa't isa pero mga ayaw magkaaminan. Torpe lang? Torpe? Torpe?" sabi ng interviewer na ikinangiwi nina Alex at Dylan.


"Dont get ahead of us. Dadating din kami diyan." malamig pa sa yelong sabi ni Alex kaya naman muling napanguso ang interviewer.


"eh—ahem, ahem. Author! Nanunood ka ba? Inaaway ako nitong mga tauhan mo! Aba kahit pogi sila di ako papaapi 'no!" parang batang sumbong nito habang nakatingin sa camera. Napatampal nalang naman ng noo ang direktor.


"Cut na! Cut! Baka mamaya hindi pa ma-air 'tong EP na'to. Instead of PG maging SPG." sukong sabi ng direktong. Ngumawa naman kaagad ang baklush na interviewer habang si Kira namna ay nagpapasalamat nalang ng tahimik dahil mayayakap na ulit niya ang malambot niyang kama sa condo niya.



























Author's Note:

Hey. I realized something. Hindi "proper" na editing ang ginagawa ko sa storya dahil dapat talaga ibang tao ang nage-edit at isa pa baka mali din yung grammars ko at tinatamad na din ako xD. Mas mahirap po ata mag edit kaysa gumawa ng isang chapter. So, di ko na siya ie-edit. Let's just say na ii-improve ko yung mga chapter at magkakaroon ng correction and addition whatever lol.

Aalisin ko yung mga edited  sa mga nilagyan kong chapter. Pasensiya na kung pabago bago, tulad nga ng sabi ko first story ko po ito. Yon lang at maraming salamat!

Badass Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon