Gusto

2 0 0
                                    

Pero natatakot ako, natatakot akong balewalain mo
natatakot ako na baka hindi mo na pansinin,
natatakot ako kasi baka hindi mo matanggap..
baka umiwas ka, baka lumayo na yung loob mo sa'kin, baka mabago yung samahan natin
puro ako takot, puro ako baka baka baka, pero sa totoo lang..

'gusto kitang mahalin'
oo mahalin, mahalin na higit pa sa kaibigan lang
pero malabo, dahil hindi pwede
dahil may makapal na pader sa pagitan natin
at may malawak na distansyang naglalayo sa'ting dalawa
hindi man pwede, pero sa totoo lang..

'gusto kitang mahalin'
kaso hindi nga pwede, diba?
dahil natatakot ako sa sasabihin ng iba,
kasi natatakot akong mahusgahan nila
baka talikuran mo ako pati na ng mundo
pero sa totoo lang, sa tingin ko..

hindi nga siguro pwede, kahit na handa akong maging alipin sayo
kahit na maging sunod-sunuran pa ako sayo
magawa ko mang languyin ang dagat at akyatin ang pinaka mataas na bundok,
ay hindi ko pa rin makukuha ang pagmamahal na nais ko
kasi hindi tayo talo at tutol ang mundo, pero sana..

sana maging ako yung bituin na hahanap-hanapin mo pagsapit ng gabi
sana maging ako yung asukal na magbibigay ng tamis sa mapait mong buhay
sana maging ako yung liwanag na magbibigay tanglaw sa madilim mong mundo
sana maging ako yung nawawalang piraso na ku-kompleto sayo
kaso hanggang sana nalang yun..

malabo man mangyari
pero gusto kong malaman mo na,
gusto pa rin kitang mahalin.

AllaslalalalalaWhere stories live. Discover now