TLG - Chapter One

24 0 0
                                    

Aerine's POV

"Tapos nakong maglinis ng buong bahay, maghugas ng mga plato, linisin ang pool, magluto, mamalantsa at maglaba!" Ayan ang lagi kong ginagawa sa buong buhay ko. Bakit pa kasi sa dinadaming pwedeng maging role ko sa mundong ito ay si cinderella pa! Oo katulong ako sa sarili kong bahay! Hmm hindi naman sya sakin pero pag mamay ari parin yun ng mga magulang ko ang kaso nga lang ang nakinabang sa pag hirap at pag tyaga ng mga magulang ko sa panahong yon eh tita ko pa na napaka sungit at ubod ng pagkademonyo! Ni minsan nga binabalak ko syang patayin eh BWAHAHAHA!!

Hahaha de biro lang! Syempre naman hindi ko gagawin yon punong puno ng guard dito at cctv ang yaman nga eh tapos katulong lang ako! -.-'

"AERINEEE!!!" Opps! Nakoo naman eto napo ang lion!

"Andyan na ho!" Sigaw ko pabalik

"Ano itong niluto mo?! Pano makakain ang anak ko nyan ha? Ang alat alat ng niluto mo! Papatayin mo ba kami ha?!" Over naman nito ma alat lang patay agad?

"Eh hindi ho kasi ako marunong magluto" mahina kong sabi habang naka yuko

"Tss.. Ang sabihin mo mas inuuna mo yang pagpapahinga mo!" Sabat naman nitong bruhang to! Sya si Jaezelle anak nitong tita ko akala ko mabait sya pero hindi. May isa ring anak si tita isang matipunong lalaki at oo humahanga ako sa anak ng tita ko alam kong bawal dahil pinsan ko yun pero teh! Ang yummy! Sya si Jace Zeil Fuerte ang aking asawa! Haha biro lang! Pinsan ko sya so hindi ko sya asawa kasi di naman fuerte ang apilido ko!

Pag katapos bungangaan ako ng tita ko umalis na sila sa restau nalang daw sila kakain mas masarap pa daw kesa sa mala dagat kong sinigang! Mwehehe nabuhos ko ata yung patis -.-' eh kasi naman sa dami kong ginagawa dito sa bahay malay ko ba na ma oover cooked yung sinigang na niluto ko pano kasi halos durog durog na yung nga gulay :3

Mga hapon narin ng dumating na ang mga pinsan ko. Di nila kasama si tita dahil gabi na yun nauwi ay hindi pala madaling araw! Narinig ko kasi dati nag kacasino sya nako! Mayaman nga naman.

Si Janelle Fuerte ang nag iisang kapatid ng mama ko na may gusto rin sa papa ko. At sya ang tita ko nalaman ko yun sa mga chismis pero totoo daw ewan ko ba! Pero wala namang relasyon si papa sa tita ko, tita ko lang naman ang nagmamahal pero may nobyo naman daw sya nung panahon nayun marahil sila jaezelle at jace ang bunga. Kaya siguro malaki ang galit sakin ng tita ko kasi ang mahal ng papa ko ay si mama kaya ayun! Ay nako ang drama naman ng storya nila! Eh wala naman akong pake kasi hindi ko naman nakita o nasilayan man lang ang mama at papa ko lumaki ako sa tita ko nung una akala ko sya ang nanay ko kasi sya mismo nagsabi na nanay ko sya pero nung malaman kong tita ko sya nag sungit na sya sakin na para bang papatayin ako -.-'

-------

"Aerine! Aba gumising kana dyan at baka malate kapa sa pasok mong bata ka at masayang lang ang ipinapaaral sayo ni maam" bulyaw sakin ni aling lucynda

At oo papasok na nga ako sa napaka garang paaralan na pinapasukan din ng mga pinsan ko first time ko lang maka pag aral sa private school at Velaz College Academy pa kubg saan karaniwang nag aaral ang mga mayayaman dati kasi sa public lang ako nag aaral

Hmm nako ang ganda naman ng uniform nato bagay ba sa isang katulong na tulad ko ito? Siguro nga bagay sakin, mukhang di naman ako magiging mukhang katulong pag nasuot ko nato atleast kahit paano di ako magiging mukhang katulong.

Mga ilang oras lang din natapos nako sa pag ayos ng dapat ayusin sa uniporme ko at sa bag ko.

Nakababa nako ng makita ko si tita na nag aayos ng make up nya at sina jaezelle na nag aayos ng buhok nya at si jace na inaayos yung earphone nya. Pupunta ba talaga sila sa school o sa party??

"Oh andyan ka na pala! Ang bagal eh!'sabi ng tita ko na parang nag intay nga sya ng matagal.

"Ah pasensya napo, salamat ngapo ulit at pinapasok nyo ko sa paaralan nina jaezelle"sabi ko

"Wala kang dapat ipagpasalamat, gusto ko lang din naman nabantayan mo sila para kahit paano may mauutusan sila sa school nila, Dadagdagin ko narin ang sweldo mo kasama narin yun sa mga projects at baon mo, yung tuition libre nayon" bigla akong nagulat sa sinabi nya akala ko pa naman magiging malaya nako at hindi na magiging katulong pag napasok ako yun pala eh katulong din pala ang bagsak ko. Di bale na ok narin makapag aral sa mayamang paaralan kesa sa public.

"Ah ganon po ba." Sang ayon ko.

"Sumama ka namuna sa sasakyan at para sa susunod malaman mo na kung pano ang papunta ron kapag mag cocomute ka" nako! mag cocomute ako palagi? Eh pano pag pauwi? Marami pa namang sira ulo ngayon no!

Hayysst! Nako naman!

"Aerine, classmate kita sa lahat ng subjects kasi pinaayos ni mommy yung schedules nating dalawa" sabi ni jaezelle. Buti namanat mag kaklase kami kahit papano may kakilala ako dun diba.

"Hey Jaezelle! Blooming ah!" Sabi ni girl1

"Jaezelle!! Long time no see" girl2

"Hi gurls!! How are you na?"

"Eto keri lang! Uhmm who is she?" Sabi ni girl1

"Ah ayan? Personal maid ko" sabi ni jaezelle, inaasahan ko pa namang sasabihin nya mag kaibigan kami pero katulong parin.

"Uhm hi I'm Yasmine Velaz and this is Juilian Tuan friend din namin :)!" Hmm mukhang mabait sya sana maging kaibigan ko sya kaso katulong lang ako

"Aerine de Legazpi :)!"pakilala ko naman. Kaso parang bigla silang nagulat

"Uhm bakit? Kilala nyo ba ako?" Pagtataka ko, hindi naman ako sikat eh katulong nga lang ako eh! -.-'

"Tara na guys! Malelate na tayo!"sabay hila ni jaezelle sa dalawa

Weird nila!

---------

Habang nagka klase kami napalingon ako sa likod ko trip ko lang para kasing natingin sakin o baka ang feeler ko lang. Shet! Ang gwapo!! Napa harap agad ako! Di ko maiwasang mapangiti sa nakita ko pagkatingin ko kasi naka tingin din sakin.

**KRINGG**

"Yes break na!"sigaw ng iba at yung iba naman nag unahan sa pinto geabe walang pinag kaiba sa high school life

Nakita ko si jaezelle at ang friends nya palabas na kaya sinundan ko na sya.

"Uhm aerine, kami nalang maghahanap ng table at ikaw naman bumili ng foods okie? Eto yung pera" sabi ni jaezelle.

Ang haba ng pila! >_<
Nagpasulyap sulyap muna ako ng makita ko yung gwapo na nasa likod ko kanina di ko tuloy mapigilang mapangiti haay ang gwapo nya talaga.

Nakabili nako ng foods nila at pabalik nako ng makita ko na nasa harap ko yung gwapo! Nako naman napangiti ulit tuloy ako

"Excuse me!"sabi nya sakin

"H-ha?" Pag kasabi ko nyan biglang may nakabangga sakin at biglang natapon yung tray na hawak ko at natapon sa damit ni gwapo! Nako patay!!

"Sorry!"

______________

(A/N): FIRST CHAPTER :D

Nasa gilid po yung Cast/Characters :)) may mga aantayin papo kayong mga cast asahan nyo po yan.. :D 

@yellowprincess_ab

TLG - The Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon