Stranded with sparks
"Isang araw, malakas ang ulan. Baha sa España, unpassable. There's no way na lulusong ako sa baha. (Maarte, alam ko). Kaya ayun, nagdecide kami ng friend ko na magstay muna sa building namin. Gabi na, hindi pa din bumababa yung baha. Antok na ako that time, sobra. Pero wala kaming choice. Nakatingin lang kami nung friend ko sa harap ng building, naghihintay ng himala.
Then here comes a group of guys. Mga taong ayaw din lumusong sa baha. Naupo sila sa tabi namin. Tapos biglang kumulo yung tiyan ko. Gutom na ako, sobra! Natawa yung isang guy. Nagoffer siya ng chocolate. E syempre gutom na ako so wala ng pakialamanan. Kinuha ko na agad. Pero syempre nagthank you ako.
Dumating yung sundo ni friend. Nalaman namin na same way pala kami ni guy na nagoffer ng chocolate. In return, nagoffer si friend na isabay na si guy sa kotse. Tatlo kaming nasa backseat. Nasa gitna ako ni friend at guy. Traffic pa sobra nun kasi di pa lahat ng roads, passable. Inaantok na ako nun. Nakakain na e. Buhay baboy lang. Sumandal ako kay friend. Nakatulog ako ng payapa. Sarap matulog. Pero shet, pagkagising ko kay guy na ako nakasandal. Nakayakap siya sakin habang nakahiga ako sa chest nya. Nakakahiya!
Bumaba kami ni guy sa kotse ni friend, iba na kasi way namin. Papuntang jeepney terminal, ayaw na bitawan ni guy yung kamay ko. Una hawak lang, pero little by little, intertwined na. Hinayaan ko na lang kasi medyo creepy yung lugar at gabing gabi na talaga tapos babae ako. Hinatid nya ako hanggang bahay just to make sure I'm safe. Nung nasa harap na nung gate namin, tinignan ko si guy pati yung kamay namin signaling na bitawan na nya. "Parang ayoko ng bitawan e. Baka hindi na naman ako magkaroon ng chance. Ang tagal na kitang crush pero ang torpe ko kaya di ko nagawang aminin. Pero ngayong andito na rin lang, aamin na ako. Let me court you, please?"
Alam niyo na anong nangyari. Yes, ikakasal na kami this October.
BINABASA MO ANG
Stranger
RandomI just want you to know that I really want to meet you... My future :)