Saddily Ever After

111 12 2
                                    

Naniniwala kaba sa 'happy ever after'?

Ako kasi hindi kasi diba sa mga fairy tales lang naman nangyayare yun .

Ako si Jasmine Igana 75 years old na ko at isang matandang dalaga. sa home for the aged na lang ako nakatira dahil wala na rin naman akong ibang pamilya na pwedeng mag alaga sa katulad kong matanda at isa lamang palamunin. Hindi na ako nagtangka pang mag asawa simula nang nagkahiwalay kami ng kaisa isang lalaking minahal ko nuon at patuloy ko paring minamahal ngayon. Hindi ako mayaman isa lamang ako hampas sa lupa minsan kailangan ko pa nuon maglaba para saiba para lang may maipangbaon ako kapag papasok sa eskwela. Ang nanay ko isang dakilang sugalera at ang tatay ko naman ay isang bantog na lasinggero. Ako na nga lang ang papalakihin at aalagaan nila hindi pa nila magawa ng maayos.

Tandang tanda ko pa noon graduation ko nun sa high school pero walang magulang ang umattend. Inaasahan ko pa naman sila nun dahil ako ang naging valedictorian ng school nmin akala ko talaga pupunta ang nanay ko pra isabit saakin ang medal ko pero nagkamali ako. Ang laki laki kong tanga Bkit pa ako umasa alam ko naman na ganun ang mangyayare. Yun ang isang dahilan kung bakit galit ako sa mga magulang ko at hindi ko sila kayang patawarin.

Nung gabi ng graduation ko meron kami grand ball pero hindi na sana ako aattend dahil wala naman akong maisuot na maganda pero biglang may kumatok sa pintuan ng bahay nmin at ako ang nagbukas kasi ako lang naman ang nasa bahay .

Pagkabukas ko ng pintuan namin bigla akong nashock dahil may inuluwa itong napaka gwapong lalaki.

Ang lalaking iyon ay si Aladin Reyes mayaman at gwapo pero sa public lang sya nag-aaral nuon dahil ayaw nya daw sa private puro kaartehan daw duon. Sya ang manliligaw ko simula nang 1st year high school ako. Ewan ko ba kung bakit inlove na inlove sakin yun ee hindi naman ako mayaman at hindi rin kagandahan.

Tinatong nya ako nung gabing yun maging date nya sa ball. Gustong gusto ko sanang umuo kaso wala nga akong susuotin bigla syang umalis ng hindi nagpapaalam ngunit bumalik rin kaagad na may dalang pink cocktail dress with silver shoes na may 2 inches heels. Nabigla ako nuon nang makita ko iyon at hindi makapaniwala. Binigay nya sakin ang mga iyon at agad ko namang isinuot . Feeling ko isa akong napakagandang prinsesa nang gabi iyon kasama ang aking napakabait at napakapoging Prince Charming. 

Nang gabi ring iyon sinagot ko si aladin at naging masaya kami . Sakanya lang ako nakakaramdam ng saya dahil sya lang naman ang nagmamahal sakin.

Lumipas ang 5 taon naming magkarelasyon. Pareho na kaming graduate ng college at sya ang nag paaral sakin dahil alam naman niyang hindi ako kayang pag aralin ng mga magulang ko at sayang naman daw kung hindi ko ipagpapatuloy ang pag aaral ko.

Balak na namin magpakasal pero hindi iyon natuloy dahil nagkasakit ang tatay ko sa atay dahil sa kakainom ng alak. ilang buwan syang nasa ospital nuon pero hindi naman sya napagaling mga doctor kaya namatay sya at ang nanay ko hindi nya kinaya ang pagkawala ng tatay ko kaya nagpakamatay sya. Hindi ko akalain na ganun pala nila kamahal ang isa't isa pero hindi man lang nila ako inisip. Hindi man lang nila ako inalala na paano kaya ako kung mawala sila.

Noong 25 years old na ako. Nakipaghiwalay saakin si Aladin hindi ko alam kung bakit pero mabigat daw ang kanyang dahilan kaya nya nagawa saakin yun at wala narin akong nagawa kundi tanggapin ang pagkawala nya. Ang pagkawala ng nag iisang lalaking minahal ko.

Nawala ako sa sarili ko nang iniwan nya ako. Wala akong ibang iniisip kundi sya pero nalaman kong ikinasal napala sya sa iba. Kaya pala sya nakipag hiwalay sakin dahil ikakasal napala sya sa iba.

Gumaling rin naman ako at bumalik sa katinuan ko pero 45 years old na ako nun. Hindi ko na inisip na magkaroon pa ng sariling pamilya.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang buhay ko lagi nalang akong nawawalan ng mahal sa buhay lagi nalang akong malungkot minsan nga gustong ko nalang magpakamatay pero hindi ko kaya. Kaya ngayon andito ako sa home for the aged nakatira kasama ng ibang matatanda na iniwan rin ng mga mahal nila sa buhay. Sama sama kami rito and we will live saddily ever after.

~~~The End~~~

AN: this is my first one shot story actually eto rin ung first story ko xD pagpasensyahan nyo na po na bored lng ako kaya gumawa ako ng walang kwentang story hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saddily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon