For Pete's Sake (one shot FanFic)

11 0 0
                                    

Marahas ang pagkakaprenong ginawa ni Ash sa tapat ng simbahan kung saan ginaganap ang kasal ni Prince. Ash and I are sitting in front of the car. Halos sabay pa kaming lumingon sa likuran kung saan nakaupo si Alex at Duke.

"Alex look at me", narinig kong sabi ni Duke.

Lumingon naman si Alex na nakatingin sa labas.

"Nasa loob si Prince", nakaturo sa simbahang sabi ni Duke.

Di na nag aksaya ng panahon si Alex. Dali-dali itong bumaba at tumakbo papunta sa pinto ng simbahan.

Pinanuod lamang namin ito mula sa loob ng kotse.

"Will she make it? Damn! What's got into Prince?! Sinasaktan na naman nya si Alex!" sabi ko sa dalawa.

"He's doing this for her. Ayaw lang nyang mapahamak si Alex", sabat naman ni Ash. Always the rational one.

"Whatever!I still don't get him! Mahal pero magpapakasal sa iba?! Tsss! That's bull!!", aniya.

"Just shut up!", Ash retorted.

Nananahimik lang si Duke. Nakatiim ang bagang habang nakasunod ang tingin kay Alex. Mababakas ang galit.

Nagkatinginan lang kami ni Ash.

"Shit!", biglang bulalas ni Duke sabay hampas sa hamba ng pinto.

Nagulat kami sa ginawa niya sabay tingin sa labas. Nakita kong pabalik si Alex sa amin. Ash and I both grunted.

"Damn!"ako.

"Shit! We're too late! I think the wedding's already over!", ani Ash.

Tang ina! Di ko talaga maisip kung bakit ganito ang nangyayari. Hindi ba pwedeng magmahalan na lang yung dalawa? Ang hirap naman kasi sa pamilya nila Prince, masyadong komplikado eh. Gusto kong intindihin si Prince, pero habang nakikita kong nasasaktan si Alex, gusto ko siyang suntukin! Sa maikling panahong nakasama namin si Alex, na naging sila, napalapit na din siya sa amin. Para na namin siyang kapatid na babae. Isa siya sa iilang babae na poprotektahan namin. Pero ngayon, wala akong magawa kung hindi maawa.

Pumasok ulit si Alex sa kotse. Humahagulgol.

" He's married! Kasal na si Dave! I'm not gonna see him again!" halos hysterical na iyak ni Alex.

Kinabig ito ni Duke para yakapin. Hinayaan nalang naming umiyak muna si Alex sa balikat ni Duke.

Wala ni isa man sa kanila ang nagsaiita. Si Duke, hinahagod ang likod ni Alex, habang namumuti ang isang kamao sa tindi ng pagkakakuyom, parang gusto na talagang pumatay, si Ash, nakatingin lang sa labas, ako nakatingin lang sa kanila. I feel helpless. I'm their friend pero heto, nanuuod lang! wala man lang akong magawa! I can't even say a word of comfort!

"Sa tingin ko kaylangan na nating umalis", sabi ni Ash nang makitang naglalabasan na ang ilan sa mga bisita.

Tahimik pa din si Duke. Sinimulan nang buhayin ni Ash ang makina ng sasakyan.

Ilang minute din kaming walang imikan habang bumabyahe. Tanging ang iyak ni Alex ang naririnig.

"Alex, sasamahan ka na muna namin sa bahay nyo. O gusto mo bang magpahatid sa tita mo?", malumanay na pagkausap ko kay Alex.

Umayos ito ng upo saka umiling. Tumingin muna sya sandali sa labas bago ulit nagsalita.

"Ayaw ko pang umuwi. Malulungkot lang ako dun".

"Sa bar na muna tayo Duke", suhestiyon ni Ash.

"Mabuti pa nga", sang ayon ko naman.

Nang makarating kami sa bar, kinausap ni Ash ang mga tauhan niya at sinabing hindi muna sila mag bubukas. Ngayong gabi, sa amin lang ang bar.

For Pete's Sake (one shot FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon