J U S T O N E G R E A T L O V E - S I M U L A
Chapter 1
Paano ba nagkakakilala ang mga bida sa isang istorya? Hindi ba't isang aksidenteng bagbubungguan sila at Magtutulungan ng pagkuha ng mga gamit na nalaglag? Natutuwa ako na ganun din nagsimula ang aming kwento.
-
Nagmamadali akong maglakad sa hallway ng paaralan. Hindi na ako tumitingin sa kaliwa't kanan at hindi ko na iniintindi ang mga taong nagchichismisan na aking nakakabungguan.
Late na ako sa klase at kailangan kong magmadali dahil siguradong papagalitan nanaman ako ng aming Professor. Hindi ko na maalala kung ilang beses naba niya akong pinagsabihan na wag magpa-late sa kanyang klase dahil hindi daw siya magsasawa na ipahiya ako sa aking mga ka-blockmates.
-
Noong mga panahon na iyon, Hindi ko inaasahang makikilala ko siya. Dahil nga isa lang akong ordinaryong estudyante hindi ako kapansin-pansin sa paningin niya at hindi niya alam na may nabubuhay palang isang katulad ko.
Maikli ang aking itim na buhok at hindi ako maputi. Hindi naman kasi ako anak mayaman katulad ng mga estudyante sa paaralan na iyon. Scholar lang ako doon at nagtatrabaho sa aming silid aklatan.
-
Dahil sa pagmamadali at hindi pagtingin sa aking dinadaanan. Hindi ko nainaasahan na may mabubunggo akong tao. Hindi katulad ng ibang nabunngo ko, dito napatigil ako. Bumagsak ang mga librong hawak ko at nahulog ang salamin ko. Masyadong malakas ang pwersa ng taong nabunggo ko. Tinulungan ako ng taong iyon na kunin ang librong mga nalaglag at ibinigay niya saakin. Susuotin ko na sana ang saking salamin ng hawakan niya yung kamay ko para pigilan akong suotin yon.'
Noong oras na yon, Nakaramdam din ako ng tinatawag nilang kuryente. Yun ba yung tipong Pag hinawakan ka ng isang tao, Parang may kuryenteng dadapo sayo.
Napatingin ako sakanya. Nakatingin lang siya saakin ng seryoso bago ngumiti.
"Mas maganda ka kung wala kang salamin"
Sabi niya saakin. Namula ang pisngi ko at Sinuot ko na ang salamin ko. Naglakad na din ako para hindi niya makita ang pagpula ng pisngi ko sa sinabi niya.
Pero laking gulat ko ng Hawakan niya ulit ang kamay ko sa pangalawang pagkakataon para pigilan ulit ako sa pagtalikod sa kanya.
'' Yung libro mo pala, nakalimutan mo"
May dalawang libro pa pala siyang hawak. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.
Kilala ko siya.
Kilala siya ng lahat.
Luke Nathan Sy. Isa siya sa mga anak ng mayayamang tao sa lugar namin. Sikat ito sa paaralan dahil mabait, matalino at malakas ang dating. Gwapo din ito at palangiti. Nakakatuwa siyang tignan dahil lagi itong masaya. Kulay brown din ang mga mata nito at matangos ang ilong.
-
Kung titignan Si luke ay kasama din sa mga prince charming ng isang story. Dahil perperto ang pagkatao niya. Hindi lang sa panlabas kundi pati narin sa ugali. Dahil sa pag-iisip, Nakalimutan kong Late na pala ako. Dali-dali akong pumunta sa room namin at inihanda ang sarili sa sigaw ng professor. Pero laking gulat ko ng wala akong nakita na nagka-klase. Nandoon ang mga mga estudyante na nagchi-chismisan at nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa kanila nitong nakaraang araw.
Walang klase.
Walang professor.
Natutuwa akong umupo sa upuan ko. Itong ang unang araw na hindi ako nasermunan ng prof na yun.
Habang mag-isa ako sa upuan, Tumabi naman saakin yung isa kong kaibigan na si Leah Benilde. Maganda ito at maputi, Mahaba ang buhok at isang tingin palang alam mo ng anak mayaman. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan sa university na to. Freidnly kasi siya at mabait.
Tinignan niya ako ng may halong pagtataka. Kinuha niya ang salamain sa mata ko at tinignan ito bago nagsalita
"Basag yung salamin mo oh, anong nangyari?"
Sinasabi niya iyon habang seryosong tinitignan ang salamin ko. Naalala ko tuloy ang nangyari kani-kanina lang. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong niya. Atlis na magalit ako dahil nalaman kong basag ang salamin ko natutuwa ako dahil naalala ko ang eksena kanina.
Wala ako sa sariling ikinwento sa aking bestfriend ang nangyari.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter one updated! Sana suportahan niyoo ang JOGL. =) Thankyou!
BINABASA MO ANG
Just ONE Great Love
Teen FictionIsang kwentong magpaparamdam sayo ng tunay na dahilan kung bakit nagmamahal. Kung bakit nagmahal at kung bakit magmamahal parin tayo sa iisang tao. Story of Shinea Cortez and Luke Sy. We can call it JUST ONE GREAT LOVE