My Fictional Boyfriend

203 2 0
                                    

My Fictional Boyfriend.

Written by: Miryl M./mmiryl_019 

All Rights Reserved. 2014. ©

---

PROLOGUE

 

 

“Ang sweet sweet talaga ni Dylan kay Helen! OMG! Dylan, please be mine! OMG talaga!”

 

“Ano ba namang klaseng kaingayan yan, Bettina! Araw araw na lang! Hindi na ako nakakatulog ng maayos nang dahil sayo!” Opps. Nagagalit na naman ang monster kong Kuya!

“Ehh! Matulog ka na lang ulit! Arte naman eh!”

“Eh paano ako makakatulog kung sigaw ka ng sigaw dyan?! Istorbo ka talaga!”

“Sorry na kasi, Kuya! Masama bang kiligin ha?!”

Hindi niya na lang ako pinansin at padabog na sinarado ang pintuan ng kwarto niya sa taas.

Ganon ba kalakas ang sigaw ko na umabot sa 2nd floor ng bahay namin at nagising ang monster kong kapatid? Hindi naman siguro! OA lang talaga si Kuya! Psh.

Nakakakilig na kasi ‘tong binabasa kong story mula sa wattpad. Oo, alas tres na ng madaling araw at nagpupuyat pa rin ako mabasa lang ang ending ng story na kinaaadikan ko.

Bakit? Masama bang kiligin sa isang fictional character?

Hindi naman diba?

Siguro nga, kahit kayo, naranasan niyo nang mainlove sa isang fictional character.

Oo, inlove ako kay Dylan Brooklyn. Pero ang pinaka-masakit na parte doon ay isa lamang siyang fictional character.

Kung pwede lang akong humiling sa Diyos na gawing totoong tao itong si Dylan Brooklyn na matagal ko nang iniibig. Kaso kahit humiling naman ako ay alam ko na ang sagot na hinding-hindi ito mangyayari.

Wala na akong magagawa. Dahil ang isang fictional character ay magiging isang fictional character habang buhay at walang magbabago dun.

Depende na lang kung sumapi ang katauhan ni Dylan Brooklyn sa isang lalaki na pwede kong mahalin at mahawakan.

Posible kaya yon?

Ako nga pala si Bettina Maxine Salvador. Umaasang maging totoong tao si Dylan Brooklyn. At kung hindi man...

Lord, bigyan niyo naman ako ng isang katulad ni Dylan Brooklyn, please?

---

Reproduction of this work is forbidden without the permission of the author. All characters and plot of this story are products of the author’s imagination. Any resemblance to the reader’s life is pure coincidence.

P.S: Habang naghihintay kayo ng update sa iba kong stories, eto muna basahin niyo ha? Nire-revise ko pa kasi yung Certified Fangirl at hindi pa rin ako tapos hanggang ngayon. Pasensya na talaga. KATHNIEL FAN FICTION PO ITO. :)

-Miryl M./mmiryl_019

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon