Faye’s P.O.V.
Naglalaro ako sa loob ng aking kwarto ng marinig kong nagsisigawan ang aking mga magulang.
“Hayme! Wag mo kaming iwan ng anak mo. Ayokong lumaki siya ng walang ama, tulad ng ibang bata diyan!” sigaw ng aking ina na halos mawalan na ng boses sa pagmamakaawa.
“Tama na Marissa! Ayaw ko na nga sa inyo eh!” sigaw ng lalaking yun ng walang awa. Sumilip ako sa pintuan at nakita lahat ng kaganapan.
“Tumigil na kayong dalawa, baka marinig kayo ng bata.” Saway ni nanay Helen sabay tingin sa pintuan kung saan ako nakasilip. Nagulat ako ng sila ay napatingin. Sinarado ko ang pintuan at tumakbo sa kama saba’y talukbong ng kumot at humagulgol.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
Teen FictionAng pagiibigan hindi laging nagsisimula sa pagmamahalan at konti lang ang naniniwala sa kasabihang “The more you hate, the more you love.” Si Aiden Faye Montes ay isang 1st year college student, 17 years old at pinaka amazona sa kanilang classroom...