Chapter 4: Rooftop

17 1 0
                                    

"Faye anak gising na! Baka ma-late ka ngayon!” pangigising na sinabi sakin ni nanay Helen. “Opo nanay.” Sagot ko sakanya. Napahinga ako ng malalim. Iniisip ko na buti nalang hindi ko nanaman napanaginipan ang masamang panaginip kung yon. Habang pinapatay ni nanay Helen ang aircon, ako naman nakatulala at nakadungaw lang sa bintana at tinitignan ang paumagang mga ulap. Maya maya nagulat nalang ako ng hinipan ni nanay helen ang sikretong parte sa ulo ko kung saan ako may napakalakas na kiliti. “HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Nanay naman ehh! Ayoko nga sabi” pagmamakaawa ko sakanya na lalo nya pa itong kinikiliti at ako naman kinikiliti ko rin siya. Nagmadali na akong kumilos at pumasok na sa school.

                                 Nagsimula na ang klase at napansin ko na wala ngayon  si Dave Villanueva . Nakakaasar pa yung Professor namin sa English, nag pa group activity siya kagad eh mag iisang lingo palang naman. Pina group yourselves into four kami. Siya ang namili ng magkaka-grupo kaya hiwahiwalay  kaming apat. Nung lunchtime, silang tatlo ay sumabay sa kanikanilang grupo upang mag lunch. Ako humiwalay sa kagrupo kasi yung dalawa scholar, at yung isa nasa ibang table. Pagkatapos kung kumain, nagpunta nalang ako sa rooftop at balak ko wag na pumasok sa math. Nung papunta na ko sa hagdanan ng rooftop, bigla kaming nagkasalubong ni Jerome at kasama niya ang dalawa sa kanyang mga kagrupo.  

“Uy ano Faye? Tapos na ba kayo?” tanong sakin ni Jerome.

“Hindi pa nga eh. Wala pa kami nagagawa. Ewan ko lang sa mga kagrupo ko?” sagot ko naman sakanya.

“Sige. Una na kami kasi kailangan na naming matapos yung activity.

“Sige bye!” pahabol ko pa.

                              Nasa rooftop na ako. Ang sarap dito at gagawin ko na itong tambayan. Pero may napansin kong parang lalake sa dulo na nakahiga. Lumapit ako hangang nakita ko na si Dave pala yung lalake at tulog. Bababa na sana ako kaso lang, naisip ko na di pala ako papasok at tatambay lang ako. Di naman niya ko mapapansin eh, tulog naman. 

“Alam mo ikaw! May parang iba sayo?”

“Di ka alam kung ano tong naramdaman ko!”

“Sino kaba? Parang sobrang naguguluhan nako sayo! Parang kilalang kilala kita.”

“Alam mo may itsura ka. Sabagay tae nga may itsura.” Sunod sunod kung sabi sa kanya.

“Mas pogi ka pala pag tulog”

“Ano ba tong iniisip ko sayo” dagdag ko pa. Pinindot ko yung pisngi niya. Anlabot sobra. Daig pako! Bakla ata to eh. Parehas yata sila ni Mark. Tumatakbo ang oras at nung uwian na, nakasalubong ko sa locker hallway yung mga kagrupo ko.

“Faye ikaw na mag finalize nito!” sabi sakin nung isa.

“Ha? O sige wala naman akong nagawa eh.” Sabi ko naman.

“Mahirap mag finalize ha! Ayusin mo. O eto.” Sabi sakin ulit nung isa at binigay na ang work namin.

“Sige na ako nang bahala.” Paalam ko sa kanila.

                                 6:45 P.M. na at eto andito parin sa  gymnasium namin finafinalize yung work hanggang mag 7:31 na at sawakas natapos na. Nakalabas narin ako ng school. Habang naglalakad ako, may tatlong lasing na lumapit sakin.

“Miss pwede magtanong?”  tanung sakin nung lasing 

“Hindi pwede! Hindi ako google! May computer shop naman! Kuya maawa ka  ayyyyy!” pagmamakaawa ko habang tinutukan ako ng icepick at umiiyak na ko.

“Magtatanong lang naman kung pwede ka namin bulatlatin?” sabi sakin nung nagtutok nung icepick.

“Kuya bulatlat talaga? Hindi ako..... hindi ako  cabinet kuya ayyyy! Tulong! “ pagmamakaawa ko ulit habang hinihila na nila ako. 

“Chosie ka pa nu? Sabi sakin nung pangatlo.

“Oo naman no! Bisaya ka man dung! Ayyyyy! Koya! Wag! “ huling pagmamakaawa ko nang biglang may dumating na sasakyan at huminto sa harap namin.

“Hoy! tigilan nyo yan!” Bulyaw ng isang lalake sa mga lasing. 

“Eh pare sino naman to!” tanung nung isang lasing sa mga kasama niya.

“Wala lang naman. Saklolo lang niya. Humihingi ng tulong eh.” Sagot nung lalake hindi ko makilala dahil puno na ng luha yung mga mata. Wala nalang akong nagawa nung biglang

“Aba’y matapang to ahh!” sabi nung lasing.

Naaaninag kong nagsasapakan nalang sila at naririnig yung mga buto na tumutunog ay hinde o.a. lang ako, yung mga suntok at tadyak. At biglaan ko nalang rin narinig ang sirena ng pulis. Pinunasan ko na ang mga luha na namugto sa aking mga mata at nakita kong nagtatakbuhan na yung mga lasing at ang lalaki na tumulong sakin ay walang iba kung di  si Villanueva at may hawak hawak na cellphone.

(Wiwiwiwiwiiwiwiwiwiwiwiiwiwiwiwiw)

Tunog lang pala sa cellphone niya yon.

“Salamat  ha!” sabi ko sakanyaat tumayo sabay pagpag ng damit.

“Wala yon! Ay oo nga pala sabay kana?” tanung niya sakin.

Gusto ko sanang wag nalang kaya lang baka inaantay nanaman ako nung mga lasing. Kaya...

“Sige na nga inaya mo naman ako eh.” Sagot ko sakanya.

“O sige tara na! Sakay na!” sigaw niya sakin.

AN/ Please wag maging Silent Reader :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon