Guide:
Evil Queen
Snow White
Both
Sa tuktok ng aking trono
ang ginintuang korona sa aking ulo
nagsisilbing paalala
Na ako ang mahal na reyna
Na ako, wala nang iba pa,
Ang pinakamaganda, pinakamakapangyarihan
Pinakamahusay, pinakamamahal ng taumbayan
ngunit bakit nga ba ako'y magisa
Ngayong ako naman ang iyong prinsesang
'Sing puti ng niyebe, mga labing sing pula ng rosas
At buhok na sing itim ng uling
Masidhing humihiling sa balong malalim
Masinsing naghihintay sa magmamahal sa akin
Inggit, Hinanakit ,Poot, Galit
Oh paano na nga ba tayo nagkaganito
Nagsimula ang lahat nang ako'y magtiwala
Sa isang alipin ng salimin
Siya raw ay di kayang magsinungaling
Salamin salamin sa aking dingding
Sabihin sa akin pinakamagandang
nilikha sa iyong paningin
Oh lubos ang aking galak nang nito'y sabihin
Iyong kamahalan,tanyag ang iyong kagandahan
Bumaliktad naman aking mundo nang nito'y dugtungan
Ngunit walang hihigit sa iyong pamangkin
Na mabuti ang puso't wagas ang kabaitan
Si Snow White
Ito ang binigay na pangalan ng aking ama't ina
Bago pa man sila mawala ....
Minsan ako'y nangungulila
Sa kanilang mga yakap at pagaaruga
Ngunit ayos lang at nariyan naman ang mga kaibigang ibon
Mga ibon na lumilipad at mahal ng Diyos
Mahal. Mahal?
Tila'y nakalimutan ko na yata ang mga katagang mahal.
Kung ang tanging kaloob ng aking pamilya'y pagdusta't paghamak
Kung ang pagibig ng marami'y base sa panandaliang ganda
Lumipas ang panahon
Nagtataka kung bakit nagkaganun
Tinatanong kung bakit napuno ng ingit ang aking puso
Tinatanong kung bakit kailangan ko pang lumayo
Nais ko lang naman malaman na hindi pa lumilipas ang aking ganda
Nais ko lang naman may tumanggap sa akin na pamilya
YOU ARE READING
Snow White and the Other Side (The Evil Queen's Story)
PoetryBasically abt the evil queen and snow white's sentiments towards each other and what they felt after the "Happily ever after, The End".