Chapter One

0 0 0
                                    


Nakatingin ako ngayon sa wristwatch ko para I check ang oras if aabot ba ako sa exactly time ng meeting, 7:42am.

Kulang nalang ay takbohin ko ang pagitan ng Main door at ng elevator, mierdaa! pagmumura ko sa isip ko.

Konti nalang maabot ko na ang elevator ng biglang-
"Sorry Miss, sorry talaga" panghihingi niya ng paumanhin habang tinutulungan akong pumulot sa mga gamit ko, lalaki pa talaga ang naka bungguan ko!

"Sorry di- Lorenz?" Di ko na tapos ang sasabihin kung nung napagtanto ko kung sino ang nakabungguan ko, si Lorenz lang pala my Ex-Boyfriend.

"E-Ellah? Shiit sorry Hindi ko sinasadya, sorry talaga nag mamadali lang talaga kasi ako kaya di ko na tiningnan ung dinaraanan ko, sorry ulit" sabi niya at aktong may sasabihin pa siya nang unahan ko na ito

"Nope, it's okay salamat nalang sa pag tulong. Sige na mauna kana mukhang nag mamadali kapa ata eh" sabi ko rito at narinig ko rin ang kaniyang paglalakad palayo sa pwesto ko

So dito pala nag tatrabaho si Lorenz? 'How come? Bat Hindi ko alam!' Napabuntong hininga nalang ako at pinagpagan ang sarili.

Great! Mali-late na ako! sabi ng isip ko kaya tumakbo na agad ako papuntang elevator at pumasok na.

One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, fifteen, sixteen, seventeen, eighteen, oh my ghaaad! Nineteen!

*TING!* hudyat na nandito na ako sa tamang floor, nasa 20th floor kasi yung CEO's Office at nandito sa 19th floor ang Conference room

Naglakad na ako palabas ng elevator at agad naman akong sinalubong ni Secretary Lay

"Good morning" pagbabati niya sa akin

"Good morning din Lay" sabi ko rito, agad naman niyang binukas ang double door ng Conference room at pumasok na kami

Pagpasok namin ay agad na nag sitayuan ang ibang member ng pagpupulong na ito, inisa-isa ko silang tiningnan, at may kulang na isa!

"Good morning Ladies and Gentlemen" nakangiting pagbati ko

"Good morning Miss Ellah" sabi nung isang lalaking di familiar sakin, tiningnan ko ito at nginitian

Habang nagsasalita si Mira ay bumukas ang pinto ng conference room, 'late!' yan agad ang pumasok sa isip ko

"I'm sorry, I'm late" hinging tawad ng lalaking late na si Lorenz, at agad na dumako sa akin ang kaniyang mata na nanlalaki na ngayon, why? Dahil sa di mo inaasahan kung sino ang Head ng meeting na to?

"It's okay,please have a sit" naka ngiting saad ko habang tinuturo ang bakanteng upuan na nasa dulo ng right side

Itutuloy...

-ZereaQuin👑

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartless WomanWhere stories live. Discover now