Chapter 1

4 0 0
                                    

chapter 1

"Guysss!!! Namiss ko kayo! Bakit di man lang kayo nagpaparamdam ng bakasyon?!" Bungad ni Janelle saamin. Nandito kami ni Phia sa likod ng stage at yeah dito ang tambayan at taguan nadin minsan. Kanina pa namin hinihintay si Janelle sa loob ng room namin pero, naiinis na kami ni Phia sa mga DATI, oo dati pa namin silang kaklase since grade 4, ilan lang naman ang mga classrooms dito kaya magiging at magiging kaklase mo pa din ang kaklase mo noon.

"Wala din naman po akong balita sayo ano? Makapagsabi ito akala mo kami may balita din sayo." umismid nalang ako sa usapan nitong dalawang toh. Wag niyo po silang tularan.

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Pasalamat kayo at mabait ako, dahil kung nakisali pa ako sa usapan niya talo na kayo." Sabi ko nalang tsaka na tumayo at nagmamadaling pumasok sa room dahil paktay ako sa dalawang yun, dahil ayaw nilang sinasabi ko sakanila yan. Hahaha.

"Talaga naman oh!" sigaw nilang dalawa at tumakbo na din papalapit sakin. Ng mahabol na nila ako sabay nila akong binatukan at sabay sabay nalang kaming tatlong nagtawanan.

Ako si Khianna Ramirez,
Yan ang buhay ko ngayong elementary palang ako. Laro at harutan lang, eheheh. First day of school ngayon at miss na miss na namin ang isa't isa ( eww) Pero ang mas masaya ay nakakilala ako ng tulad nilang dalawa na kahit loka loka ay masasaya naman silang kasama. Tatlo lang kami. At 2 years na din kaming magkakaibigan, nagtransfer silang dalawa dito dahil sakin eh. Choss! Syempre di ko pa naman sila kilala noon. Grade 4 nun kami. Ewan ko lang pero sa dami ng naging best friend ko ay silang dalawa ang mas the best.

Wag niyong sasabihin sakanila yan huh. Lalaki ang ulo ng dalawang yan, hahaha. Tinatawag na nga kaming tress Maria's eh, dahil lagi kaming magkakasamang tatlo. Hindi naman literal na magkakasama huh. At ngayong grade 6 na kami, hindi ko na mabilang ang mga bawat pinagdaanan namin. Talaga lang huh? Pinagdaanan sa bata naming ito?

Yeah syempre, hindi mawawala ang pinagdaanan dun, haler.

Nandito kami ngayon sa Court at nagpaflag seremony kami para sa first day of school. Ewan ko ba, bakit kapag unang unang araw ng pasok eh dadaldal ng dadaldal ang Principal namin? Yeah, ganto kami lagi kapang nagsosona ang Principal namin. Nakakasawa. Hehehe.




"Hayy!! Nahahaggard na ako dito huh! Unang klase, maglilinis!?" nandito kami ngayon sa garden ng Grade 6 at nagwawalis at nagbubunot kami ng mga damo dito. Nakakainis!

"Hoy Chole! Maglinis naman kayo dito! Aba. Hindi yung kami lang ang napapagod! Nakatayo lang kayo dyan! Supervisor kayo? Supervisor kayo?" sigaw ni Janelle, sino ba namang hindi maiinis dahil ang aarte nila. Mga bwisit.

"Oo na! Sandali lang naman huh! Kukuha lang kami ng Walis!" maglalakad na sana sila ni Tin, kaibigan niya na kaklase namin.

"Aba hoy! Kayo ang magdamo dito at kami naman ang magwawalis! Swerte niyo naman! Ano kayo artista? Di pwedeng madumihan? Aba nag aral pa kayo!" sigaw ko sakanila at tumayo nako mula sa pwesto ko para kunin yung walis na ginamit ko kanina.

"Tsk! Oo na bwisit oh!" inis silang umupo sa may mga damo pero anak sila ng nanay nila oh! Umupo nga pero hindi naman nagdamo ang bwisit!

"Grrhh! Bahala kayo! Susumbong namin kayo kay Ma'am!" inis na sigaw ni Phia tsaka siya tumayo mula sa pwesto niya kanina at pumasok na sa loob ng room, sumunod naman kami ni Janelle sakanya, dahil alam namin ni Janelle na umaarte lang ang isang ito dahil sa lahat ng pupuntahan niya ay sa room? Eh wala naman si Ma'am dito sa loob at nasa office pa yata sila eh.

"Woahhh!! Galing talaga!" apir naming tatlo. Wala namang tao dito sa loob ng Room dahil lahat ay nasa labas at ako ang nagsusulat ng hindi naglilinis kaya ok lang yan kahit di kami maglinis. Galing talaga.

"Libre niyo naman niyan ako! Aba mahirao magsisigaw ng ganun!" sabi ko na nga ba eh.

"Sumigaw din ako, wag ka." mabilis na sabi ko.

"Pati ako." pumunta kami sa blackboard para magsulat sulat ng kung ano ano.

"Kahit gulaman lang? Aba mura na din yun ah!" sige, magwala ka. Kung kuripot ka, mas kuripot kami. Bahala siya. Hahaha!

"Mura lang naman pala eh! Edi ikaw bumili, gusto mo libre mo na din kami eh." oo ganyan kami. Jusko, bakit ko nga ba sila naging kaibigan?

"Wag na!" mabilis na sabi niya at nakisali na din sa pagsusulat ng kung ano ano sa blackboard.

"Sa tingin niyo, magiging maganda kaya itong last year natin dito?" bigla kong tanong. Kahit naman na may pagkamasama ang mga kaklase ko eh syempre mamimiss ko din naman sila kahit papaano.

"Sa tingin ko naman oo, basta gumawa tayo ng mga magagandang alaala." ohhh kailan pa naging ganyan magsalita yang si Phia?

"Hanep ah! Ang seryoso niyo namang dalawa! Tara na nga at burahin niyo muna yan! Labas na tayo at sabihing pabida bida tayo!" tsaka siya lumabas at ang leche kumaway pa.

"Anyare dun?" tanong ko. Nagkibit balikat nalang si Phia at nagbura na, kaya nagbura nalang din ako, pero natigil ako ng nakita ko yung sinulat ni Janelle!

"Anak ng leche oh! Khian! Kita mo naman oh! Kaya pala iba ang pakiramdam ko ng ngumiti siya jusko!" pati din pala si Phia meron sinulat si Janelle para sakanya. Pero bakit ganto ang sinulat ni Janelle sakin?

Khianna Love Bryle

"Kilala mo itong si Bryle, Phia?"
sino naman kaya yang bryle na iyan?

"Di ako pamilyar sa Name niya eh. Hayaan mo na. Iba talaga ang trip ng isang yun. Tigan mo naman ang nakasulat saakin! Phia love Miko! Jusko, baka sabihin nila child abuse ako!" natawa nalang ako sa reaction niya at pinagpatuloy nalang ang pagbubura.





"Uyy ah! Janelle! May hindi ka sinasabi saamin! Nanliligaw ba iyang si Matt sayo?!" sabi ko habang naglalakad na kami papalabas ng school. Uwian na eh, ang dali ng oras. Atsaka, habang naglalakad kasi kami, binigyan ni Matt si Janelle ng bulaklak, pinitas niya lang yata yan sa kung saan.

"Hindi ah! Tignan mo naman itong bulaklak! Lanta na!" yeah, lanta na talaga.

"Baka naman kasi nahihiya lang, kaya hindi ka matanong kung pwede ba siyang manligaw." tama nga naman itong si Phia.

"Osya! Uwi na ako. Bukas nalang ah! Babye!" tsaka na siya pumasok doon sa medyo masikip eskinita, tulay kasi ang nadon sa eskinita na yun.

"Una na din ako Phia!" tsaka na ako naglakad papunta sa bahay namin, habang si Phia naman ay sumakay na sa service niyang Tricycle. Walking distance lang kasi yung school namin sa bahay namin eh. Pati din naman yung kila Phia pwede din siyang maglakad pero medyo malayo nga lang ng konti.

Meron pa naman akong ibang friends, hindi ko nga lang alam kung totoo nga ba sila o hindi. Pero dito sa barangay namin si Phia lang ang kaibigan ko, mas mauuna nga lang ang bahay ko kasya sa bahay niya, in short, mas malayo ang sakanya.

Simple lang ang itsura ko. Morena ang balat, medyo kulot yung buhok, red lips, and black eyes lang naman. Si Janelle naman is straight hair, morena din, merong manipis na labi, at meron siyang ipagmamalaki na ganda. Si Phia naman is straight sa taas pero bandang baba is curly na yung buhok niya, morena din siya, mahaba ang pilik mata, and medyo chubby cheeks. Pure Filipino kaming tatlo.

Sana, sana lang na pagdating ng araw ay hinding hindi kami maghihiwalay na magkakaibigan. Forever sister kumbaga. Pero ewan ko lang, marami kasing mapanirang tao dito sa mundo at hindi maiiwasan na magkatampuhan kami.


Nandito na ako ngayon sa bahay at nakahiga na sa papag namin, yes papag, hindi naman kami sobrang yaman. Katamtaman lang, yung kaya namang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Medyo malawak naman itong bahay namin at meron ding malawak na space sa labas para maglaro. Kasama ko lang dito sa bahay ay ang Lola, Lolo at ang mga tatlo kong kapatid na sina Kuya Quel panganay samin, Nate pangalawa samin, ako naman ang pangatlo at ang huli ay si Irish ang bunso.

Pero may namimiss akong isang tao.













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's the One?Where stories live. Discover now