A/N: Sorry for the profanity :(((
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 1- The Witch met the Boss
(Jaime's POV)
I shut down the computer and relaxed my back off my chair. This is one fucking hell week. Sobrang daming trabaho ang nakatambak. I loosened my necktie and massaged the temples of my aching head. Pinapunta lang ako ni grandma sa Macau for 2 days but when I came back, everyone in the company's looking for me and a pile of paperwork shit is on line. Bakit ba kailangang magpayaman pa din ng mga mayayaman? Shit lang.
I heard the door open and my secreatary came in.
"Sir, your car's ready." sabi niya
"Ok. I'll be down in a bit." sagot ko at lumabas na siya.
Dumiretso ako sa isang bar pagkalabas ng opisina. I want a drink. Nang malunod for once in a while lahat ng mga iniisip ko. I ordered a whiskey and glanced at the girls glancing and throwing dirty looks at me. Natatawa na lang ako sa loob loob ko. Such pathetic beings. Dream high bitches.
I've been a fool once, pero ngayon sisguraduhin kong hinding hindi na yun mauulit. Fuck. Naaalala ko nanaman siya. Mabilis kong nilagok ang isang baso nung dumating ang whiskey ko. Ramdam ko ang mainit na guhit ng alak na pumasok sa aking sistema. Fuck that bitch. Ang lakas ng loob niyang lokohin ang isang Dychingco na katulad ko.
Pero hindi ko magawang maghiganti at saktan siya. Revenge is for losers. And one thing, nakakasuka mang sabihin but I still love that bitch. See? Hindi ba niya marealize na napakaswerte niyang nilalang para magkaganito ako nang dahil sa kanya?! What an idiot.
Hindi ko napansin na napaparami na pala ang ininom ko dahil sa takteng reminscing na to. Talagang lumalabas ang katotohan kapag nakakainom.
"Bro!"
Somebody touched my shoulder and I looked up. It was Calvin. A friend. Umupo siya sa katabi kong stool. And as always, he's grinning like an idiot.
"Andito ka pala! Ba't di ka naman nagsabi para may kasama ka. Di yung nagpapakaloner ka dito!"
I drank another shot.
"Tigilan mo nga ako Cal." tumawa lang ang gago.
"Ang KJ talaga nito kahit kelan! For sure stressed ka nanaman sa trabaho kaya ka nandito. Kilala kita Jam. Di ka lasinggero. Hahaha."
"Wag mo ako itulad sayo gago. Alam kong ikaw ang nagbubukas at nagsasara nitong bar. Alak na ang dumadaloy sa ugat mo." nakangising sagot ko sa kanya.
Namalo pa sa balikat ang loko at tumawa.
"Grabe ka naman tol. Nagulat lang talaga ako. Ngayon lang kasi ulit kita nakita dito at nagpapakalasing after 3 years."
3 years na pala ang nakakalipas? Shit. After all those years, I'm still into her? Bwisit na buhay to.
"Gago." yun na lang ang nasabi ko at tuluyan ko ng inubos ang iniinom kong alak.
"Hey Calvin." pareho kaming napalingon ni Cal sa babaeng dumating. She wore a fitted short pink dress that revealed her curves. Per di ko tipo ang mga ganyang babae. Baka si Cal pa.
"Hey babe!" Cal greeted the girl back and pulled her into his lap.
"Ba't bigla ka na lang nawala? Kanina pa kaya kita hinahanap." the girl whined and she looks like a fucking duck.
"Sorry babe. Bigla ko kasing nakita tong kaibigan ko. Hayley this is Jam, my friend. Jam, this is Hayley, my companion for the night."
"Hi Jam." the girl who looks like a duck smiled and greeted me and I just smiled back.
"Namiss kita agad Calvin. Di ka man lang kasi nagpaalam!" the duck-looking-girl whined again and I heard Cal whisper "I'm sorry" and they began making out.
Kapal talaga ng mga 'to. Sa harapan ko pa talaga. Nagbayad na ko dahil ayoko ng madagdagan ang nakikita kong kalaswaan dito at umalis na lang nang hindi nagpapaalam kay Cal.
Paglabas ko ng bar, sumalubong sakin ang malakas na ulan. I called the driver and waited for my ride. When the car came, I immediately get inside.
"Uwi na po ba tayo sir?" tanong ng driver.
"Yeah." matipid kong sagot at umalis na kami.
It was already midnight nang makarating ako sa condo ko. While on the elevator, nakaramdam na ako ng antok dahil napapapikit na ako. Dumiretso na ko sa unit ko para makatulog. I unlocked the door and entered. Pagpasok na pagpasok ko, naramdaman ko agad na may ibang tao na nasa loob. Binuksan ko kaagad ang ilaw at nagulat sa nakita ko.
A girl is standing in front of me pero nakatalikod siya. She is wearing an old-fashioned dress na saya yata ang tawag and she is drenched.
"Hoy! Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!" I shouted pero parang wala siyang narinig at nanatili pa ding nakatalikod sa akin.
"Hey! I'm asking you! Who the fuck are you--"
Lalapit na sana ako sa kanya para makita ko kung sino siya pero nagulat ako ng bigla na lang siyang humarap. Blood is running down on the side of her face. Her eyes are so sharp and full of rage. Nawala ang antok ko tangina.
"Hoy miss. Kung pwede, wag mo na ako idamay sa kabaliwan mo. Umalis ka na kundi magpapatawag ako ng---"
Naputol ang sasabihin ko nang itinaas ng babae ang kamay niya and I felt a pressure on my neck at nakaramdam na ko ng kahirapan sa paghinga. I felt my feet left the ground and when I looked down, I was hung in the air by an inch or two.
My mind is completely blank. Hindi ko alam ang gagawin and I don't even know who is this fucking girl and what the fuck is she doing to me. Di ako lasing at alam kong di ako namamalikmata.
I looked again at her and she was just staring at me so intently. Sinubukan ko magsalita pero hindi ko magawa dahil para akong sinasakal. Unti-unti siyang lumapit sa akin nang hindi tinatanggal ang nakakamatay niyang tingin.
"Nasaan ako?"
BINABASA MO ANG
He met a Witch
FantasyHe is a billionaire bachelor. Your typical handsomely proud selfish young man. But his story’s gonna change…… when he met a witch. And not just a witch. She’s no Hermione. Dahil isa siyang mangkukulam na galing sa panahon ng mga kastila. Rak na ituu...