naranasan mo na bang umibig sa isang lalaking hindi ka naman niya mahal?
ginawa mo na ang lahat pero wa-epek pa rin sa kanya.
ako, naranasan ko na.
pangalan ko ay Leeyan, 19 at galing pa sa probinsiya ng Agusan del sur. halos apat na taon na akong nangungupahan sa tinitirhan ko ngayong bahay. kahit gaano ka-istrikta ng landlady namin, nakaya ko pa ring tiisin ang kanyang ugali.
marami na akong naging kaibigan at nakilalang mga lalaki dito sa lugar namin. oo, nangungupahan lang ako ng bahay pero kung makipag-friendship sa ibang boarding house ay wagas. mnsan, habang ako ay naglalakad sa daan, maraming lalaki ang nagpapa-kyut at nagpapa-charm pero ano ba yan, di naman ako cheap noh para pumatol sa isang tambay na kulang na lang mamatay ako sa baho ng mga kili-kili powers nila.
isa akong student nurse sa MSU-IIT at ang crush ko na neyborhood ko ay isang HRM student. matagal ko na siyang crush, mahigit apat na taon na. alam niyo ba kung ano ang istorya?
****FLASHBACK
first year college ako nuon, at dahil bago ako sa lugar na inuupahan ko, nakipagkaibigan ako sa ibang lodgers na makakasama ko. of course, dahil may mga bakla ang mga ispiritu namin, madali kaming nagkaintindihan ng bakla kong bestfriend. (hindi ako bakla ha.hahahahahaha)
tumunog ang sirena ng isang Garbagge Collector Truck at hudyat na yun na kailangan na naming dalhin sa labas ang lahat ng mga naipong basura sa loob ng isang linggo. dios ko naman, ang baho ng basura, amoy kili-kili ng mga tambay. di ko matiis.
lumabas ako ng boarding house at nakita ko si Dave, yung HRM student na nakwento ko. half-naked lang siya nun, naka-wear siya ng blue jersey shorts hanggang tuhod at walang saplot sa itaas. talagang napa- OH MY GOD talaga ako, ang macho-macho niya at super duper mega hyper puti pa. sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya. tsaka, malapit na akong mahimatay malapit sa sako ng mga basura ng bigla siyang ngumiti. dios ko, talagang mamatay na ako. hahahaha. pero hindi pwede kasi wala ang bida pag namatay agad ako.
lumipas ang ilang buwan at taon na ultimate crush ko talaga siya. basketball player pala siya? lahat sila actually. yung kuya niya at mga cousins niya ay puro naglalaro ng basketball. minsan nga sa daan naglalaro sila at kahit anong pawis ang makita ko sa kanya, kahit hindi pa siya naliligo o nagtotoothbrush ...ang gwapo-gwapo talaga niya.
talagang ma-iinspire ka sa umaga pag una mong nakita pagbukas mo ng gate ay SIYA! nakakakilig naman to the bones ang mga pangyayari.
ilang taon, sa wakas at nagbunga na rin ang lahat ng hirap at pagpapakyut ko sa kanya. naging mag-boyfriend/girlfriend kami at ang saya-saya ng araw ko to the max. nanood kami ng sine kumakain sa labas ng gate, kumakain ng banana que, camote que at kung ano-ano pang pagkain na may que. hahahaha. wala siyang palya pag monthsarry namin, puro surprises, hate ko pa naman ma-excite. hahahaha. eh kasi naman mag-ha-hyperventilate ako pag ma-susurpresa ako kaya araw-araw dala-dala ko yung inhaler ko. hahaha. para hindi ako agad mamatay noh, sayang naman yung papables ko maiiwan.
pang pag-iibigan namin ay wagas na wagas at pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin kong lalaki habang buhay. pero, isang masamang trahedya ang nangyari at nagdulot sa amin ng kasawian...sa dalawang pusong nagmamahalan.
kinagabihan, pumunta si leeyan ospital para maghatid ng pagkain sa kanyang ina. sa isang banda, namalayan ko na sobrang busy ng mga nars at doktor sa emergency room. iniwasan ko ang mga pangyayari sapagkat normal naman talaga na busy sa Emergency room. eh lahat naman kasi ng mga aksidente ay dun una hinahatid. pero meron talagang humihila sa akin na gfusto akong pabalikin sa emergency room. kaya out of curiousity, bumalik ako at maraming narinig na mga haka--haka tungkol sa aksidente.
"sinaksak daw siya ng girlfriend niya...." sabi ng isang lalaki na nasa harapan niya.
..."parang hindi naman yata.. tignan mo, gawain ba yan ng isang babae? ang saksakin ang kanyang boyfriend, tignana mo oh, ang daming sakasak at sugat sa kanyang katawan." sabi pa ng isa.
"baka napag-tripan lang...pero hindi eh, girlfriend daw talaga niya ang sumaksak sa kanya." pangangatwiran ng isa.
hindi lubos maisip ni Leeyan ang mga pangyayari. at nang makita niya ang duguang mukha ni Dave...bumuhos ang kanyang mga luha. nakita niya ang kaawa-awang nilalang. nakahandusay at pinagtutulungang maisalba ang buhay. tumakbo siya papalapit kay dave at ng kausapin niya ang mga nars at doktor na nakapalibot...walang sumagot sa kanyang mga tanong. kahit anong sigaw at hampas niya sa mga ito, wala pa rin itong reklamo.
sa gilid, nakita niya ang isang katawang nakabalot ng puting tela, duguan rin ito. mukhang pamilyar sa kanya ang singsing na suot ng isang babae. magkapareha sila ng suot nito na nasa kamay niya. at ng buksan niya ito, tumambad sa kanya nag pamilyar na mukha ng isang babae. si Leeyan.
"hindi maari, hindi ako ito...hindi pa ako pataaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!"
kahit anong sigaw niya, wala pa ring makakarinig sa kanya. isa na pala siya ngayong ispiritu na hindi matahimik. isang ligaw na kaluluwa na naghahangad ng hustisya.
(bago nangyari ang trahedya)
alas- 10 ng gabi ng papauwi galing date si leeyan sa kanyang boarding house. hindi na siya nahatid ni dave dahil kailangan pa niyang kunin ang kanyang mama sa bus terminal at pinauwi na niya si leeyan dahil may project pa itong gagawin. walang ilaw sa poste na kanyang daraanan. narmadaman niya na parang may matang nanonoood sa kanya at mga paa na sumusunod sa kanya. tumakbo siya dahil sa takot. naramdaman niya ang isang kamay na humablot sa kanyang mga buhok. lumaban siya at lumaban.
nasuntok sa tiyan si leeyan at bigla itong nanghina. ng bumalik ang kanyang ulirat, nalaman niyang ginagahasa na pala siya ng gagong lalaki. at ang lalaki palang iyon ay si Dave. parang nabuhusan si leeyan ng isang baldeng tubig na mainit sa kanyang katawan. ang inaakala niyang boyfriend na mahal niya ay isa palang rapist.
nang matapos ang kabaliwan ni Dave ay nagkaroon ng pagkakataon na makuha ang dala-dalang kutsilyo ni Dave. sinaksak niya ito dali-daling umalis sa kanyang kinalalagyan. pero naabuutan ito ni dave. sinaksak ni dave si Leeyan at pagkatapos ay sinaksak ni dave ang kanyang sarili para mapagtakpan na siya ang gumawa ng krimen. ginawa niya ito para hindi siya magng suspek sa krimen na kanyang ginawa. at dali-dali silang isinugod sa hospital.
HINDI LUBOS MAISIP NI LEEYAN NA SIYA PALA NGAYON AY KALULUWANG HINDI MATAHI-TAHIMIK DAHIL SA KRIMENG GINAWA NG KANYANG BOYFRIEND.