★KABANATA 2★

3 1 0
                                    


Matapos ang naganap noong aming pamamasyal palagi ng nakikisabay si kyan sa lahat ng lakad namin ni Dave sabayan pa na pareho silang na elect as monitor ng klase namin, nag transfer kasi itong si kyan

Sobrang hirap ng nararamdaman ko lalo na Hindi ko pa nasasabi ang totoo kong nararamdaman para sakanya, sobrang bigat sa dibdib para bang ang laki ng dinadala ko although wala aking dibdib

At mukhang matatagalan pa yata dahil sa bagong tauhan na papasok sa buhay namin mabuti sana kong suportado ako nito kaso hindi ito pa nga siguro ang magiging karibal ko halata namang may pagtingin ito sa taong gusto ko

★★★ 

FRIDAY NIGHT

Nagkaayaan kami ni bessy na sabay mag review at sa awa ng diyos walang kyan na susulpot ngayong araw.puspusan narin ang aming pag-aaral dahil exam na next week.

7:43 PM

Tapos na kaming kumain ng hapunan at syempre kinapalan ko na ang mukha ko kaya dito na ko kina bessy nakikain, sarap nga ng ulam, adobo.

Napapansin ko nga ang mga panaka nakang sulyap ng mama ni bessy Hindi ko alam kong ano ang ibig nitong ipahiwatig sa aking sa kaniyang mga sulyap sa akin

"Best friend bili lang ako sa balas ha?!" Paalam niya saakin

Isang tango lang ang aking naging sagot sakanya

Narinig ko nalang ang pabukas sara ng pinto ng kwarto ni Bessy

Ilang minuto pang nakalipas ng makarinig uli ako ng pag bukas at pag sara ng pinto

"Bessy ang bilis mo naman?"Hindi ko sya tinignan habang sinasabi ko ang mga katagang iyon

"layuan mo ang anak ko!"maawtoridad na sabi ng mama ni Dave na si tita Dina

Kamukha niya ang anak niya at kita mo dito ang pag istrikta.

Nagulat naman ako dahil sa sunabi ng tita Dina, bakit namang gusto akong palayuin ni tita sa anak niya.

"Layuan mo ang anak ko, kita ko sayo Antonio na may gusto ka sa anak ko, kitang kita ko yun sa mga mata mo" may paghahalong inis at pagtitimpi ng sabi

"P-po!" Para akong istatwa na hindi makapagsalita dahil sa gulat, bakit ako pinapalayo?dahil ba sa bakla ako?kailangan ba dapat opposite sex?

"Basta layuan mo ang anak ko kong hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo magkita pa" sabi niya habang papalabas ng kwarto

Nakatulala naman akong umupo sa upuan, bakit ba dapat umabot sa puntong to?kailangan ko na ba talagang lumayo sakaniya?

Ilang minuto akong nakatulala dito ng marinig ko ang mga yapak ni Dave papasok sa kwarto.nagkunyari naman akong busy sa pag review

"Best friend chitchirya o!" Sabi nitoa habang nakalahad ang kamay na may chitchirya

"Bessy uuwi na ko!" Paalam ko habang inuunti-unti ko ang paglalagay ng gamit sa bag

"Ha?e di pa naman tayo tapos sa pag rereview a!" Nagtatakang taning nito

"Pero sige, baka din kasi hinahanap ka na sa inyo"dugtong pa nito habang tinutulungan akong ipasok ang mga gamit ko sa bag

Inihatid niya ako sa labas ng bahay nila nakita ko pa ang paglukot ng mukha ng nanay nito na nakita akong kasama ang anal, bakit kaya masyadong mainit ang timpla ng nanay nito saakin?

Against The World [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon