Unti-unti akong dumilat pero bukod sa malabo ang paningin ko ay madilim din sa kwartong ito. Lumina-linga ako sa paligid. Umaasa na mayroong paraan para makatakas ako mula rito.
Hindi ako nabigo. May nakita akong liwanag na medyo malayo sa akin. Hindi na ako nag dalawang-isip na puntahan iyon kaya Unti-unti akong tumayo kahit na namamanhid pa ang mga paa ko.
Nanghihina na ako. Parang hindi ko na kaya ang maglakad pa pero kailangan kong gawin 'yon para makaligtas. It's now or never. Hindi ako pedeng mamatay nalang basta-basta. Kailangan ko pang patunayan na inosente ako. Hindi pwedeng matapos ito ng ganito lang.
Malapit na sana ako sa may pintuan ng biglang may humila sa akin pa balik. Hindi ko maiwasan ang mapadaing sa sakit.
"You think makakatakas ka pa?" nakakatakot ang boses ng lalaking ito. Nanginginig na ako dito dahil sa takot sa kanya.
"Please, let me leave! I didn't do anything wrong!" sinabi ko sa kanya ng may pagsusumamo.
"Hmmm? You didn't do anything wrong?" malabo ang kanyang mukha dahil siguro sa hilo ko pero napansin ko ang katamtamang hiwa sa may kaliwanag pisngi niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa pintuan.
"Yes, so please let me go!" halos magmakaawa na ang boses ko.
"You killed HER." malamig naman ang boses niya ngayon na mas lalong ikinatakot ko.
"I DON'T EVEN KNOW WHO YOU ARE REFERRING TO!" hindi ko na maiwasan ang magalit. Pinagbibintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"I was there when you did that. I'm very sure that it was you." sinabi niya at mapangahas niyang hinawakan ang panga ko.
"So don't pretend that you didn't know anything about it."
"I'm serious! I don't really know what are you talking about!"
"Yeah? Okay,you don't remember anything?"
"Then let me make you remember anything."
BINABASA MO ANG
Touch of DEATH!
Mystery / ThrillerNapagbintangan si Kly na pumatay. Pero tama nga ba ang salitang 'napagbintangan' kung lingid sa kaalaman niyang totoo ang ibinibintang sa kanya?