THE DEVIL QUEEN'S LIFE

106 11 2
                                    


May isang magandang babaeng nakahandusay sa isang selda. Duguan at puno ng pasa ang mukha at katawan niya, sa nakikita ko mukha itong tinurture.

Pilit niyang idinidilat ang dalawa niyang mata para makita kong sino ang pumasok sa selda niya. Agad naman syang napaatras sa pag kakahiga niya gamit ang namimilipit na katawan sa subrang sakit, nang masilayan niya kung sino. Yon ang lalaking gumawa sakanya neto.

"Buti naman at gising kana, gigisingin pa naman sana kita. Mukhang takot na takot ka huh!" Animo ng lalaking todo ngisi habang papalapit sa nakahandusay na babae na nag ngangalang Ash.

"I-isa kang ha-hangal! W-wala kang a-awa!" Galit na sigaw ni ash na pilit niyang itinatayo ang sarili gamit ang natitirang lakas niya sa katawan pero hindi niya kaya dahil hinang-hina na sya.

"Ako pa talaga ang sasabihan mo niyan? Sino kaya satin ang masamang ugali ash!" Walang emosyon na pag kakasabi ng lalaki.

"I-ikaw a-ang m-masa-mang u-ga-li.!" Hagol na pagkakasigaw ni ash. Pinilipit niyang magsalita pero sa bawat buka ng bibig niya sa bawat binibitawan niyang salita na lumalabas sakanyang bibig ay mas lalo syang nahihirapang huminga at natutuyuan na sya ng laway sa mismong bibig dahil sa nag uunahang pag-agos ng dugo sa katawan niya.

"Ang kapal din pala ng mukha mo ash!" Agad niyang sinipa si ash sa may bahagi ng bewang na may sugat kaya agad napayakap si ash sa sarili niya at napaiyak nalang sa namimilipit na sakit ng inabot niya sa hagupit ng lalaki.

"A-ara-y" Tanging 'yan nalang ang lumabas na salita sa bibig ni ash dahil sa sakit.

Pinuntahan ng lalaki ang namimilipit na babae at syaka siya umupo at bigla niyang hinigit ang buhok ni ash. Kaninang nasa baba ang tingin ng babae ngayon ay nakatingala na ang babae sa lalaki na may hawak ng kanyang buhok at iniinda niya ang sakit ng pagkakahawak neto.

"Akala mo maaawa ako sa kawalanghiyaang ginawa mo sakin!" Syaka ito ngumisi at pinagpatuloy ang sasabihin "Lintek lang ang walang ganti, Ash!" Sabi ng lalaki na may hawak sa buhok ni ash, at walang ano-ano, bigla na lang niyang ibinagsak ang ulo ng babae. Sa subrang lakas niyon, halos mabiyak ang mukha at ulo ni ash.







[A/N: Hello mga bb! This is it. Ito na pala yong mga nag dedicate sakin para sa story. Relax lang kayo mga bb. Ip-published ko po agad kapag may naisip na kong idudugtong. Nasa draft na po lahat. <3 i hope you like it.]

Ip-published ko din pala tong mga to sa may page ko para lahat po ay makabasa.! Kung ano po yong UN ko dito ganon din po sa page ko.

Thank you very much sa mga nagtiwala. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan.

Sending warm hugs and kiss!

Godbless you all and mabuhay!

|Vote|
|Comment|

Hottestwriter

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now