Simula

41 3 0
                                    


Sinusundan ko ng tingin si Marius habang naglalakad siya patungo sa canteen. Ilang taon ko na ding ginagawa to. Matagal na akong may gusto sa kanya pero hindi ko lang ma amin amin ng harapan. Magkaklase kami sa halos lahat ng subject ngunit hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.

Masaya siyang nakikipagbiruan sa mga kaibigan niya. Ang nakadepinang angulo ng kaniyang mukha, ang kaniyang mga mapupungay na mata, makakapal na kilay at ang kaniyang mapupulang labi na mas lalong nagbibigay ng kulay sa kanya.

"Cosette kanina pa kita hinahanap." napalingon ako sa aking kaibigan na si faye.

"Abala ka nanaman sa kakatitig diyan kay Marius, lapitan mo na nga. Hindi na uso yung mga secret admirer ngayon, sunggaban mo na." Dagdag niya.

"Ano ka ba. Baka marinig ka ng iba diyan." Namumula kong sabi. Naglakad kami patungo sa room, ilang minuto nalang din magsisimula na ang klase.


Hindi naman ako kagandahan para umamin kay Marius. Alam ko namang hindi ako sakto sa panlasa niya. Hindi din naman ako umaasa na magiging kami. Kaya okay na ako sa kahit hindi niya alam na gusto ko siya, sapat na sakin yung nakikita ko lang siya sa malayo.

Naging maingay ang loob ng silid ng sabay sabay na pumasok ang mga kaibigan ni Marius kasama siya. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung magsasawa pa ba ako sa kanya, kahit sa simpleng ngiti niya natutuwa na ang puso ko.

Umupo na sila sa kanilang mga upuan ng pumasok ang guro namin sa Math. Nasa hulihang banda nakaupo sila Marius habang nasa gitna naman ako.

"I have a question." saad ng guro namin.
"May tao naba kayong nagugustuhan?" dagdag niya.

Kanya kanyang sigawan ang mga kaklase ko sa tanong ng guro namin. Na wari baga'y pinagmamalaki ang kanilang nararamdaman. May narinig nga akong sinisigaw ang pangalan ni Marius.


"Ma'am si Marius tanungin mo." Sigaw ni Azi, kaibigan ni Marius.

"Mr. Montenegro may nagugustuhan ka na ba?" Tanong ni ma'am. Nagsitilian ang mga kaklase ko, nagaabang ng isasagot ni Marius.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, natatakot ako na baka masaktan ako sa isasagot niya o ano. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko.

"Meron." Aniya. Natahimik ang aming klase dahil sa sagot niya.

Mismo ako parang huminto yung puso ko sa pagtibok. Parang binagsakan ng langit sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kahit pala kuntento na ako na pinagmamasdan siya sa malayo, nasasaktan padin pala ako na may nagugustuhan na siyang iba.

"Alam niya ba? Pano mo nasabing gusto mo siya?" Tanong pa ni ma'am.

"Hindi niya alam, natatakot din akong umamin sa kanya. Matagal ko na siyang ka klase, pero magmula nung una ko siyang nakita hindi ko na maalis alis yung tingin ko sa kanya. Lagi ko nalang siyang naiisip." Aniya.

Kailangan mong maging masaya para sa kanya. Ngumiti ka Cosette, okay lang yan. Diyan siya masaya.

"Nandito ba siya? Kung nakikinig siya ngayon, Anong gusto mong sabihin sa kanya?" dagdag na tanong ni ma'am. Napalingon ako kay Marius, nagaabang ng kanyang isasagot.

Kahit medyo kumikirot yung puso ko, okay lang. Sa kanya siya masaya kaya dapat maging masaya nalang din ako.

"Nandito nga siya. Alam kong nakikinig ka, gusto ko lang malaman mo na gustong gusto kita dati pa." bago niya tinapos ang kanyang sinabi ay lumingon siya sa akin at saglit kaming nagtitigan bago niya nilihis ang kanyang tingin.

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Bakit siya tumingin sakin? Ako ba yung tinutukoy niya?

"Tinitigan ako ni Marius." Mahinang tili ng katabi ko. Napalingon ako sa kanya.

"There are 3 sad love story in Mathematics. First, Parallel lines yes they do exist but they don't have the chance to meet. Second, Asymptotes lines they can get closer and closer but it will never be together. But the last one is the most painful, it is called Intersection point, yes they meet but they will only meet once. After that, they will never meet again. That's the saddest part, loving someone who isn't made for you. Yes you can love them if you want to, but it won't last long. So better choose the right one. The one that is made for you." Mahabang sabi ni ma'am. Nagsitanguan ang mga kaklase ko, habang napapaisip ako.

What if we're together? Would it be intersection point? I hope it's not.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon