KABANATA 2

11 2 0
                                    



Caleb

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil ako ang inatasang magrereport ngayong umaga. Malaki ang naitulong nung librong binasa ko kagabi na bigay ni Marius.

Speaking of Marius, hanggang ngayon nalilito padin ako kung bakit bigla niya nalang akong pinapansin. Dati hindi niya nga ako dinadapuan ng tingin. Hindi padin ako makapaniwala na katabi ko na siya ngayon.  Na malapit na siya sa akin. Na pwede ko na siyang hawakan. Yung abot kamay ko na siya.

"Do you need something?" Aniya. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang titig ko sa kanya. Umiling na lamang ako.


Maya maya pa ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko kaya tumayo na ako upang mag prepara para sa gagawing reporting.

Akma na akong tatayo ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

"Goodluck." Tipid na sabi ni Marius at may nilagay siyang isang smiley face na guhit sa kamay ko.

Why are you acting like that?  Baka malunod ako ng sobra sobra at malimutan ko ng umahon.

Tumango ako sa kanya at naglakad na papuntang harap. Inayos ko ang presentation at huminga ng malalim.  Nagsimula ako sa reporting  habang nakatingin lang kay Marius na seryosong nakikinig sa akin.


Ewan ko ba nawawala ang kaba ko pag tinitingnan ko ang mata niya. Mabilis akong natapos at nagsipalakpakan ang aking mga kaklase.

"Any questions or clarifications?"

Nagtaas ng kamay si Caleb na agad ko namang pinagtuunan ng pansin.

"What is it?"

"How can I get your number?" Aniya agad nagsitilian at asaran ang mga kaklase ko  na siya namang ikinapula ng pisngi ko.

Wala ka talagang magawang matino. Nakakabwisit ka na talaga. Umiling ako at inilibot ko ang aking paningin hanggang sa mahuli ko ang nakakunot na noong si Marius.

"Okay that would be all. Settle yourself everyone, I have an important announcement." Ani ma'am. 

Bumalik na ako sa aking upuan at tinabihan si Marius na hanggang ngayon ay nakakunot padin ang noo.


"A month from now we will be celebrating our 50th founding anniversary so gaya ng dati isang linggo gaganapin ang foundation. Magkakaroon din ng laro which is Basketball for boys and Volleyball for girls. Tsaka yung battle of the bands. Kung sino yung gustong sumali magpalista nalang kayo sa class monitor." Mahabang saad ni ma'am. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa ng malamang isang linggo ulit gaganapin ang foundation.


"Cosette." Napalingon ako kay Caleb na nasa gilid ko na pala ng hindi ko man lang namamalayan.

"Ano?" 

"Samahan mo ko mamaya." Aniya. Umiling ako ngunit hindi niya ako tinigilan hanggang sa di ako pumapayag. Narinig kong suminghal na si Marius kaya pumayag nalang ako sa gusto ni Caleb. Para matapos na. Baka kasi naiingayan na siya sa amin.

Tumawa lamang si Caleb at bumalik na sa kanyang upuan. Mabilis natapos ang klase kaya nagsilabasan na ang lahat.


"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Marius. Nagkibit balikat lang ako kaya tinalikuran niya na ako at lumabas na sila kasama ang kaibigan niya.

"Tara na." Napalingon ako kay Caleb ng magsalita siya.

"San ba tayo pupunta?"

"Basta ako na bahala." Aniya sabay tawa.

"Oo na."

Binilisan ko ang pagliligpit ng gamit habang inaabangan ako ni Caleb na matapos.

"Wala na bang mas kukupad pa diyan Cosette?" Aniya.

"Reklamador ka close ba tayo?" Asik ko.

Tumawa lamang siya at hinila na ako palabas. Napakaligalig ng isang to.  Akala mo talaga close kami sobra maka lapit sakin eh sarap isako.


Nakalabas kami sa school kaya kumunot ang noo ko. Saan ba talaga kami pupunta? Baka kidnapin ako nito.


"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya.

"Oo pakakainin mo ba ako?"

Hinila niya lang ako at tumawid kami sa kalsada.  Naglakad kami ng konti at pumasok sa isang karinderya.

"Hindi ka naman maarte diba?" Aniya.

"Hindi kami mayaman." Sabi ko sa kanya. Nag order na siya ng mga ulam at kanin. Tinitigan ko si Caleb.  Hindi naman siya mukhang mahirap.  Pang mayaman nga ang kutis niya pati galaw niya elegante. Baka kuripot lang talaga.


"Bakit ka nga pala lumipat?" Tanong ko sa kanya.

"Nag migrate na kasi kami ng mama ko dito." Aniya. Dumating ang pagkain na inorder niya kaya kumain na kaming dalawa.  Napatitig ako sa kanya. Ngumiti siya.

"Gusto mo bang ice cream?" Tanong niya. Lumapad ang ngiti ko at tumango tango ako sa kanya. Natawa siya sa ginawang aksyon ko.

"Bilisan mo na para makabili na tayo." Dagdag niya.

Matapos naming kumain ay pumunta kami sa may baryo na may mga tindang turo turo at mga nakahilerang ukay ukay. Nagmumukhang divisoria ang baryong to.

"Pili ka diyan. Bibili lang ako." Aniya. 


Naglibot ako sa mga naka display na mga damit. Habang inaantay si Caleb.

Ano na kayang ginagawa ni Marius ngayon? Kumain na kaya yon? Ilang oras ko nadin siyang hindi nakikita. Napabuntong hininga ako sa sariling isipin.


"Eto na." Ani Caleb at inabot sakin ang cotton candy at Ice cream. 

Nagsimula akong kainin ang binigay niya. Habang naglalakad kami papunta sa nagkukumpulang mga tao na nanunuod sa isang banda.

It's not in her smile
'Cause I've been seeing it for a while
It's not in her hair
And not the reason that I stop and stare
It's all about the way she moves
Sometimes I wish you were in these shoes
You're something I don't wanna lose
But I know I'll only be a friend

Nakisabay kami sa kantahan ng mga tao. Hindi ko inaakalang mararanasan ko ang ganitong saya. Ni minsan sa buhay ko hindi ko pa naranasanang lumabas ng bahay maliban nalang kung sa school ako pupunta. Hindi ako pinapayagan ng magulang ko dahil nadin siguro sa karamdaman ko.

Masaya kasama si Caleb. Hindi naman pala siya nakakabwisit lagi minsan nagseseryoso din naman pala siya. Nakakagaan ng loob siyang kasama na para bang matagal na kaming magkakilala. Mabilis akong naging komportable sa kanya.


Hindi na kami bumalik sa paaralan. We spend the whole afternoon together. Away from all the stress, away from school, teachers and stressful assignments and quizzes.


Gabi na ng hinatid niya ako sa labas ng village namin. Nagpaalam na ako sa kanya at siya din sa'kin.

"Ingat sa paguwi." Saad ko sa kanya. Sabay kumaway.

"Ikaw din. Alis ulit tayo sa susunod." Aniya at tumawa. Nagsimula na siyang maglakad palayo habang ganon din ang ginawa ko.


Hindi pa ako nakarating sa bahay ng mapansin ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. Tumakbo ako palapit dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Alas otso na ng gabi, bakit nandito siya?

"Anong oras na? Hindi ka pumasok kanina." Ani Marius.

"Hindi din kasi namin namalayan ang oras kaya di nalang kami pumasok." Sabi ko. Tumango lamang siya at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Binaba niya ang windshield at tumingin sa akin.

"Bye." Aniya at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Anong meron sayo Marius? Wag mo kong lituhin. Ginugulo mo na talaga ang sistema ko.

Until we meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon