Chapter One: The Punishment

8 1 1
                                    

KRingggggg……. KRing……. KRing……

Tunog ng alarm ko, tinignan ko kong anong oras at saktong alas sinko na ng umaga.

Aissssttt!!!! Nakakatamad pang bumangon, hanggang ngayon di parin talaga ako sanay bumangon ng ganitong oras.

Ano ba ang lulutuin ko? Tinignan ko ang laman ng ref pero nadismaya ako nung itlog lang ang nandun kaya no choice ako at yun na lang ang linuto ko.

Pag katapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis para pumasok sa skwela, at mamayang gabi ay papasok naman ako sa carenderia ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko ngayon, para may pang gastos naman ako sa pang araw araw.

Calling dad….

Tinignan ko ang phone ko at nakitang si dad ang tumatawag.

“Yes?” tanong ko sa kabilang linya, di na uso saakin ang hello lalo na kung siya ang kausap ko.

“Hello my princess, how are you?” May pag aalala niyang tanong saakin.

Di ko nalang sinagot kasi hanggang ngayon ay galit parin ako sakanya, hinintay ko nalang kung ano ang susunod niyang sasabihin.

“Look my princess, I’m very sorry ok? Hanggang ngayon pinag sisisihan ko parin yung ginawa ko, at ngayon ako ang sinisisi ng mommy mo at ng mga kuya mo kung bakit ka umalis, please baby umuwi ka na I missed you so much”

Narinig kong binaba na niya ang tawag kasi di ko naman siya sinasagot. Ramdam kong nag sisisi talaga si dad pero hanggang ngayon nandito parin ang galit, almost 1 year narin akong umalis saamin at hanggang ngayon wala paring nakaka alam kung nasan ako.

Miss na miss ko na ang pamilya ko sobra, lalong lalo na ang makukulit kong mga kuya at syempre si mama, miss ko parin naman si dad pero sa ngayon titiisin ko munang hindi magpakita sakanila.

Kailangan kong gawin to, kailangan kong hanapin ang sarili ko at kung ano ang makakapag pasaya saakin.

“Aling tasing alis na po ako” pag papaalam ko sakanya, siya na kasi ang kumupkop saakin simula nung umalis ako sa bahay at siya rin ang nakaka alam ng tunay kong pagkatao.

Dati kasi namin siyang kasambahay pero nag retero na ito kasi matanda na siya.

“Sige mag iingat ka, kumain ka na ba?” Tanong niya saakin habang busy siya sa pag aayos ng kanyang mga paninda.

“Tapos na po! Sige po alis na ako babye..!!” sabay takbo ko kasi baka ma late nanaman ako.

Pag pasok na pag pasok ko sa school puro bulungan nanaman ang naririnig ko at yung iba naman ay masamang nakatingin saakin, ano pa ba ang eneexpect ko? eh puro nga naman mga mayayaman ang nag aaral dito.

You heard it right, sa isang private school ako nag aaral kasi ito lang ang pinaka malapit sa apartment na tinutuluyan ko para wala ng hassle sa pag co-commute lalakarin nalang.

At san ako kumukuha ng pang tuition ko? wala scholar kasi ako dito kasi nakapasa ako sa exam nila, ako yung nag top 1 kaya full scholarship yung nakuha ko.

“Look who’s here, ang scholar ng bayan” – Honey

Siya si honey ang anak ng may ari ng school, maganda, mayaman, seksi at higit sa lahat siya ang number 1 bully dito sa school na to. Sino ba naman ang mag lalakas loob na lumaban sakanya?

Yung karamihan sa binubully niya ay yung mga scholar na nag aaral dito, bakit? Kasi hindi naman sila makakalaban sakanya kasi pamilya niya yung nag papaaral saamin.

Pero ibahin niyo ako, ako lang ang naglalakas loob na sagot sagutin itong babaeng to, ginawa ko narin yun para saakin nalang ang atensyon niya at para tantanan niya narin yung ibang scholar dito at effective naman yung ginawa ko.

Behind that DisguiseWhere stories live. Discover now