Chapter II: New Friend?

4 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school para di ko maabutan sila Honey and friends, baka kasi kung ano nanaman ang gawin nila saakin.

Habang nag lalakad ako papuntang library ay may nakabunggohan akong isang babae, halos kasing tanggkad ko lang siya, at di mo maipag kakailang sobrang ganda niya para siyang isang modelo.

“Sorry miss” hinging paumanhin niya, medyo nabingi ako dun kasi first time kong makarinig ng sorry sa isa sa mga studyante dito sa school.

Halos lahat kasi ng nag aaral dito ay sumasali sa pang bubully saakin, yung iba naman deadma nalang kasi ayaw nilang madamay, knowing Honey? Tsss… wala yang sinasanto.

“Ah ok lang, kasalanan ko rin naman kasi” mahinang sabi ko sakanya. Akmang aalis na ako nung tinawag nya ulit ako.

“Ahm miss!! Pwede bang magpatulong?” Tumango nalang ako na ikinangiti naman niya.

“Saan ba dito yung building ng COBE dept.? Transferee kasi ako dito kaya di ko alam” – girl.

Ahh kaya pala ang bait niya saakin. Pag yan nalaman ang ginagawa saakin nla Honey? Pustahan tayo di na yan lalapit saakin.

“Dumeretso kalang then turn left, tapos may makikitang kang building na may lining na color yellow sa bawat poste, at yun na yung COBE dept.” Pag bibigay ko sakanya nang instruction at sa tingin ko naman ay nasundan niya yun, sobrang dali na nga nun eh.

Actually iba ang building ng mga department dito, yung sa COA (College of Architecrures) yung building nila ay may lining na green, sa COE (College of Engineering) red, sa COED (College of Education blue, sa COBE (College of Bussiness and Entreprenuership) which I belong is yellow, navy blue sa COT (College of Technology), sky blue sa CAS (College of Arts and Sciences) and lastly ang royal blue color sa mga Senior and Junior High School.

“Thank you ha! by the way I’m Abby and you are?” Tanong niya sabay lahad nang kamay niya saakin, di na ako nag alangan at tinanggap ko yun, ngayon lang may nag pakilala saakin ng ganito, na ganito yung itsura ko.

“Kate” Tipid kong sagot sabay nag shake hands na kami.

Lumipas ang araw at buwan at ganun parin ang nangyayari sa akin sa school walang pinagbago may sarili kasi akong schedule, na special lang para saakin.

Papasok ako sa school, mabubully, papasok sa classroom at makikinig sa discussion ng mga instructors, breaktime na may kasamang pang bubully, papasok nanaman sa classroom at makikinig sa discussion ng mga instructors, lunch na may kasama nananamang pang bubully, etc….

Halos lahat ng breaktime, kahit na nga pag iihi lang may mga bully parin talagang nakapaligid. Tapos isang araw nakita ko si Abby, pero di niya naman ako pinansin. See?? Tama ako diba? Sino nakipag pusta saakin? Akin na yung panalo ko.

Matapos lang nung araw nayun na nagkabanggaan kami ay di niya na ako pinansin pa, di ko naman siya masisisi, bago palang siya dito at sa tingin ko sakanya ayaw niya nang away kaya siguro di siya lumalapit saakin.

“Hoy! Pangit saan ka na pupunta?” Tanong saakin ni Honey habang nakatambay sila sa may punong mangga na may upuan sa gild.

“Uuwi na bakit?” tanong ko na ikinangunot naman nung mukha niya.

“Kahit kailan talaga no, di ka marunong gumalang sa mas nakakaganda sayo” pagtataray niya saakin, tapos yung mga kaibigan naman niya panay cheer lang.

“Nag tanong ka diba kaya sinagot lang kita, tsaka ano nanaman bang problema mo? bukas nalang pwede?” bored kong sabi tanong, na mas lalong ikinainis niya naman.

Dahil sa inis niya ay bigla bigla niya akong sinabunutan, nataranta ako hindi dahil sa pag sabunot niya saakin, kundi dahil sa wig nasuot ko. Gosh!! Baka matanggal, pero OK lang ata to, proven and tested ko na to.

Behind that DisguiseWhere stories live. Discover now