Lakbay ng Paglalakbay

4 0 0
                                    

Ako ba'y nasaan?
Di ko mahagilap ang daan
Daan patungo kung saan ako'y isinilang
Ako ba ay nawala sa aking nakaraan?
O ako'y naligaw lamang sa daan na akala ko'y patungong tahanan?

Sa aking paglalakbay,
Natagpuan ko ang iyong mga kamay
Mga kamay mong mahigpit akong hinahawakan
Natatakot kang ako'y masaktan at iyong mabitawan

Nagdaan ang araw, linggo at buwan
At ang masasabi ko'y maswerte tayo sa ating kapalaran
Ang ating mga ngiti sa labi ay hindi mapapantayan
At ang aking nakaraan ay bigla ko nang nakalimutan

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay masaya sa ating kapalaran
Ngayong araw na ito'y aking napatunayan
Na ang ating nararamdaman ay pawang imahinasyon lamang
At dinala tayo sa lugar na kung saan puno ng kapaitan.

Pinilit kong pinalagban ang aking nararamdaman
Nagbabakasaling ito'y maipanalo sa labanan
Ngunit paano ko ito maipapanalo kung ikaw mismo ako'y tinalikuran?

Umiyak ako hindi dahil iniwan mo'ko
Umiyak ako kasi may naalala ako
Na bago kita matagpuan, meron pala akong mga plano
Plano na nakalimutan ko dahil sa iyong mga sawing pangako

Ngayon akin ng natagpuan
Daan na aking iniwan
Dapat ba kitang pasalamatan dahil ako'y nahimasmasan?
Na hindi sa lahat ng pagkakataon mga tao'y di lilisan?

Kung ito'y iyong binabasa
Alalahanin mo sana na
may mga tao tayong makikilala sa ating paglalakbay
Sila'y maaaring maging kaibigan o maging kaaway
Huwag mong hayaan linlangin ka nang kapalaran

bagkos iyong ipaglaban ang iyong karapatan


Lakbay ng PaglalakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon