Peps and I

96 2 2
                                    

"Peps and I"

Alam mo yung feeling na hanap ka ng hanap sa isang taong magka-qualify sa standards mo, tapos biglang....Wow! Joke ba 'to? Hindi! Hindi pwedeng... Ako? Ako mai-inlove sakanya? Parang sinabi mong nangitlog ang aso! Well, sabi nila ganun talaga.

Kahit anong pili mo, kahit gaano ka pa man ka-choosy, kung kayo naman ang pinares ni Lord, wala kang magagawa. Wala ka nang choice. At di ka na makaka-angal pa.

Siya. Oo, siya nga! Siya nga sabi eh! Siya na pag naiisip ko eh mismong brackets sa second molar ng ngipin ko ay makikita kapag ako'y ngumingiti :) (I have braces kase.)

Siya na tanging nagpapalabas ng biceps sa aking pisngi sa tuwing ako'y kinikilig.

Siya si Pepito Del Rosario, "Peps" for short.

Matagal ko na siyang kilala, uhmmmmm.. Almost seven years nadin. Naging classmate ko siya nung 1st year HS hanggang fourth year, tapos ngayon, schoolmate ko naman siya sa aking pinapasukang university. Actually hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang abnormal kong puso pag andyan na siya, di naman ganito ang nararamdaman ko nung kaibigan pa lang ang tingin ko sa kanya.

Gusto niyo bang malaman kung anong meron siya? WALA. AS IN WALA. Pwera biro, wala naman talagang kagusto-gusto sa kanya, ewan ko ba sa puso ko at bakit siya. LORD, BUCKETTTTT? Abnormal siya, weirdo, futuristic, pero sobrang galing sa Math!  

Di naman siya gwapo, lalong hindi siya heartthrob na siyang minimithi ko (Oo na, ako na ang ambisyosa!). Pero bakit siya? Siguro it's because of the sense of humor, aaminin ko matalino siya, hindi pala, SOBRANG TALINO niya.  

Maybe the happy company I get when were together, may mga bagay sa mundo na kahit walang kwenta ay magkakaroon ng sense kapag siya niya ang nagsabi.  

Mahilig siya sa anime, sabi niya nga, gusto niya maging si Detective Conan at "L" ng DeathNote. Bakit kamo? Kase he likes solving mysteries and unsolved problems. Kaya siguro siya MATH-alino. Ewan ko ba kung bakit curious siya kung paano mag-isip ang girls, OH MY LORD! Don't tell me....Isa siyang...................BEKI??? 

Eto ang mas malupet: May itinatago siyang pagtingin sa isa sa mga bestfriend ko, si EYA SOLO. Whhhaaaaaaat? Ang galing niya, all of us thought na si Candy talaga ang gusto niya.  

Ano kame, ay hindi pala ako kasali, ano sila? Dalawang saging na pwedeng ituhog ng sabay at gawing bananacue? Maybe you'll ask me who is "Candy"? Tulad ni Eya, isa siya sa mga bestfriends ko, si Candy Roses.

To make this thing short, ipapakilala ko na ang sarili ko.

Hi. Ako nga pala si Isabella Reyes. Everybody calls me "Isay". I am an ugly dork back when I was in highschool. Mukhang pwet, as they say. Just imagine how awful my face looks -_-.  

Nognog complexion, sungking ngipin, payatot, dayami-like hair, everyday haggard look. Isang babaeng pilit hinahanap at ipinagsisiksikan ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya.  

Sabi nila, manhid daw ako. Sabi nila, reckless, immature, careless, pabigla-bigla, baliw, happy-go-lucky at pranka. EDI AKO NA MASAMA, joke!

Sisimulan ko ang storyang ito nang tumuntong ako ng highschool, dahil masyadong mahaba, tatalon na ako kaagad sa pagiging fourth year.

Simula nang nag-highschool ako sa St. Mary's, feeling ko nag-evolve ako. There I met my forever friends: Eya Solo, Candy Roses, Yoj Carmelo and Muffs Indayog. Classmates ko na sila since first year highschool. I was a transferee student back then..

\CHAPTER 1/: New Seating Arrangement

* 2nd Quarter of 4th Year 

"Antagal naman nila!", hay nako hindi nako nasanay! Bakit ba sa aming magkakaibigan ako ang laging early bird?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peps and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon