CHAPTER 3

5.8K 140 7
                                        

Alexies's POV

Kakagising ko lang at agad na napako ang paningin ko sa pader, wala namang bago dahil halos araw-araw ganito ang ginagawa ko, kung saan unang tatama ang paningin ko sa tuwing imumulat ito ay hahayaan ko ang mga matang pagmasdan ang bagay na 'yon.

Naiisip ko na noon na gigising akong katabi s'ya ngunit hindi pala, gigising ako sa umaga gaya ng mga nakasanayan ko.

Bumangon na ako upang ihanda ang sarili para sa mangyayari ngayong araw.

I hope it will go fine.

Matapos kong iayos ang sarili ay agad na akong bumaba, kailangang maaga ako doon para salubungin ang mga darating na bisita.

"Son, pupunta ka na?"

"Yes mom, sunod nalang kayo" sabi ko at lumabas ng tuluyan sa bahay.

Habang nagmamaneho ay biglang tumawag si Sherra sa akin.

"Hello"

"Hello Alex, how's your day?"

"Same with the other days passed by"

"See you later?"

"Yeah, pupunta ba si Zoax?"

"No, may gagawin s'ya ngayon eh but he will try naman"

"I see, magingat ka"

"Ikaw rin, bye" s'ya na rin ang nagbaba ng tawag kaya naman hindi na ako nagabala pa.

Pagkarating ko sa ospital ay naroon na ang mga kasamahan ko upang salubungin ang mga bisita. Pinarada ko ng maayos ang kotse bago bumaba upang samahan sila.

"Good morning Doc Alex?"

"Same Vic, kanina pa kayo?"

"Hindi naman tama lang, alam mo naman kailangang maaga"

"Magtigil ka na ngang doktor ka, kahit saan talaga umiiral 'yang gan'yang ugali mo"

"Nagsalita, ikaw nga hindi maka-move on sa girlfriend mo na matagal ng wala"

"Vic"

"Okay, chill... Aga-aga init ulo, don't worry irereto kita sa ka-partnership natin" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "What? You know Alexies, you already have a match, sure ako na magkakasundo kayo... Pareho kayo eh, magulo hahaha" sinamaan ko s'ya ng tingin pero iniwan niya lang ako na parang wala lang.

Naturingang doktor pero may saltik sa utak.

"Yow Alex! Aba, best suit" ngumiti ako kay Nie kasama ang asawa.

"Thanks, beautiful one"

"Ikaw talaga pinsan! Ano? Magsisimula na ba?"

Gangster Queen Vs. Vampire King Part 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon