Haram

21 1 0
                                    

Isa apat tatlo . tatlong numero na sumisimbolo ng Mahal kita pero bakit hindi mo makita? Oo alam kong hindi moko tipo ,alam kong malabo kang magkagusto, pero ngayon sasabihin ko kung paano ako nagkagusto Sayo

Tao po! Tao po? Me tao po ba rito? Pilit akong kumakatok ngunit tila wala yatang tao.

Gusto ko man aminin ng harapan ngunit wala akong lakas ng loob .
Di kasing lakas ng tama ko sayo. Na kahit pilit ko mang iwaksi pilit na bumabalik.
Bumalik ako sa papunta sa iyong kwarto at heto na bubuksan ko na ang pinto. Di ko alam ang aking gagawin dahil sa unang tingin para akong nahulog sa bangin at sa lakas ng tama ko Lalong humina loob ko na sabihin sayo. Teka teka bakit nga ba tayo pinagtagpo? Di ko alam ang sagot pero sana pag akoy nanligaw ako'y iyong sagutin.. OO MAHAL DIN KITA mga katagang pinapangarap kong marining mula sayong mga labi.
Oo marami akong gusto pero sayo lang talaga ako tinamaan ng ganito. ikaw lang ang mahal ko at mamahalin magpakailan pa man.
Oo Torpe na kung torpe ako. Oo bata.. bata ako sayong paningin pero sana namn iyong dinggin. Araw araw kong panalangin sa panginoon na sana akoy iyong mapansin. . Ang tula kong ito ay para sayo kahit na ikaw ay di para saakin . pero bago pa man magtapos ang tula kong ito may isa lang akong hiling.
Na sana mabasa o marinig mo ito.
Pero sana di mo na malaman na ito'y para sayo.

Ako Si Carl Jason Cayanan

HaramWhere stories live. Discover now