Di ko alam

11 0 0
                                    

Di ko alam mga salitang lagi kong isinasagot sa sarili ko.
Sa mga katanungan na walang kasiguraduhan.
Kung bakit sa dinami dami pa ng tao sayo pa ako nagkagusto.
DI KO ALAM
na kung bakit IKAW
IKAW ang nilalaman ng aking puso.
Korni man pakinggan pero yan ang totoo.
Totoo ang lahat ng ito. Sa maniwala ka man o hindi
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon di ko pa rin sayo maamin ng harapan.
Harapan ng iyong silid ay lagi kong tinatanaw. Kumukuha ng tsempo pero di pa rin ako makabwelo
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko to kayang itago.
O baka kalimutan ko nalang. Upang di ka na maguluhan pa At nakalimutan ko rin nga palang banggitin .hindi ko alam kung tanda mo pa. Pangalang gamit ko sa mga sulat ko sayo. Pasensya ka na nga pala kung magulo sulat ko kung di mo masyadong maintindihan. Sana'y maintindihan mo na ganyan kagulo ang mundo ko pagka wala ka sa tabi ko.

------M.MANUEL

HaramWhere stories live. Discover now